Kompyuter Shop Noon, Sa Bahay na Ngayon

in #hive-1994932 months ago
Magandang araw mga ka Hiveans! Sana nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa ng aking blog ngayon. Sana rin ay nasa ligtas kayong kalagayan lalo na sa panahon ngayon na nararamdaman natin ang panahon ng tag-ulan.

Personal Photos Photo Card in Light Blue Modern Style.jpg
Ang larawan ay edited sa Canva source

Ngayong araw ay gusto ko na namang magbahagi ng kaibahan ng noon at ngayon sa aming buhay.

May mga bagay ba kayong laging ginagawa noon at ginagawa niyo pa rin hanggang ngayon pero may kaibahan pa rin ang dati at ngayon?

Tulad ng lang ng aking asawa. Ang aking asawa ay naranasan din niyang magbulakbol habang nag-aaral sa kolehiyo. Nahiligan niya ang online game na DOTA. Ang nagturo sa kanya ng laro ay kaibigan niya sa kolehiyo. May isa o dalawang beses siyang hindi pumasok sa klase dahil naglalaro lang siya. Paano ko po nalaman? Ako at ang aking asawa ay maliban na kaklase ko siya noong hayskul ay kaklase ko pa rin siya hanggang kolehiyo. Sa dinarami-rami ng paaralan at kurso na pagpipilian sa kolehiyo at oras ng klase ay sinadya ng kapalaran na kami ay magkakaklase.

Iyong hilig niya ng online game na Dota dalang-dala pa rin niya hanggang ngayon kahit na may trabaho na siya. Ang nakakalamang pa ay kaya na niyang bilhin ang gusto niya. Tulad na lamang nang pagbili niya ng laptop. Ang plano naming mag-asawa ay pang-opisina lang pero di ko akalain habang may inaasikaso akong ibang bagay sa mall at siya lamang mag-isa ang pumili ng laptop. Pagkatapos niyang makabili, hindi ko akalain na gaming laptop pala ang naisip niya. Wala na akong nagawa kundi umayon na lang kasi nabili na.

Kung noon, mag-uunahan pa kung sino ang makagagamit ng computer sa shop para maglaro, ngayon wala na siyang kakompetensiya. Noon may bayad ang bawat oras sa paglalaro, ngayon hawak na niya ang oras at ako na lamang ang timekeeper niya. Ewan ko kung ito ba ay mabuti o dagdag stress sa buhay ko. Hahahha

Kung kayo ay nakarating sa parte na ito habang nagbabasa, ibig sabihin nakuha ko po ang inyong interest.

Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.

Sinulat ni: Maureen S. O
Mga larawan ay pagmamay-ari ng aking asawa: Paul Vincent M. O

Sort:  

better at home than somewhere else. 😆

Tama po. Walang kababalaghan na mangyayari. Hahaha

Comshop tapos Friendster meron pang background na mga bulaklak na nalalaglag 🤣

Hahaha, nakakatawang isipin.😄😄 Cute Yung noon.😊

🤣 cute naman ngayon kaiba nga lang na cute.

Hahaha, wala nang effects at saka banner ngayon po. Puro na lang marites.😄😄

🤣

Nakaka miss yong frienster Sir @dantrin gustong gusto ko talaga ang frienster Kasi nalalagyan ko ng music at ubang ibang design tapos nakikita ko kung sino ang mga nag view sa account ko. Napaka friendly gamitin ang platform na iyon

Hindi ko po alam ang Friendster mam @diamondinthesky TikTok po ang generation ko 🤣

Ay sayang Sir @dantrin Hindi mo Pala iyon naabutan hehe mas maganda kaysa TikTok

Yung MGA Ng cutting classes nun, kadalasan SA computer shop nahuhuli. Isa din Pala dun hubby mo 😁.

Hahaha, yes ma'am. 😁😁 Na-enjoy niya po talaga ang kanyang kabataan.😄😄

Mapapangiti Ka Rin Pg naalala mo MgA ginawa mo noon 😁

Yes ma'am. Yung magpa-kopya po.😁😁

Nakakamiss din mag comp shop ay, nakakamiss makipag agawan nang seats, though di naman para sa laro yong, gusto ko lang talaga mag fb, lolol. Pero mas nakakatuwa yong may sariling lappy, gusto ko din noonnnnnnn

Hehehe, matutupad yan, hintayin natin lumakas ang Hive.😊

Nakaka miss mam computer shop memories 10 or 15 petot per hour Ma'am @fixyetbroken laging full ang computer shop malapit sa aming boarding house Kasi maraming naglalaro na gamer. Kalamitan ay maghihintay Ako sa gilid kung may mag out

Yes ma'am.. Minoan nakakamiss ang simpleng buhay.😊