Natapos na ang unang linggo ng buwan ng Hunyo, mayroon pa tayong mahigit na tatlong linggo para ipagpatuloy ang ating munting pa kontes sa Tagalogtrail.
Medyo naging abala lang tayo nitong mga nakaraang araw pero narito na ang mga listahan nang mga nagwagi ngayong linggo check nyo nalang ang wallet nyo at galing kay @toto-ph ang pa-premyo.
Hive User | Numero ng Entry | Hive Reward | Ecency Reward |
---|---|---|---|
@lolodens | 3 | 2.142857143 | 69.64285714 |
@sarimanok | 2 | 1.428571429 | 46.42857143 |
@ruffatotmeee | 2 | 1.428571429 | 46.42857143 |
Pitong entry lamang ang nagawa dahil sa sinabi ni @romeskie na huwag siyang idamay sa mga mananalo kung sakali man. Ako man din ay di rin sumasali, dahil parang ang panget naman nun, pa kontes ko tapos may reward din ako.
Mahirap ba ang prompt nung unang linggo?
Yung mga unang araw nang linggo ay mga naipost na akda ngunit sa mga sumunod na paksa ay wala na akong nakita na akda. Nag-iisip tuloy ako kung mahirap ba siya o hindi o baka kulang ang oras? Hindi ko din sigurado eh kung ano ba talaga.
Kung mahirap nugagawen?
Sympre pwede naman tayo mag rebisa at tumanggap nang mga suhestyon sa prompts na ating gagamitin. Ang layunin lang naman ng komunidad na ito ay kahit papaano ay mayroon tayong maipost sa loob nang isang araw kahit isa lang. Sa takbo ng pagbaba ng Hive at HBD ito ay isang oportunidad para sa atin na mag hoard pa ng mga token para sa ating kinabukasan.
Maraming mawawalan ng gana magsulat.
Dahil sa pagbagsak ng Hive at HBD unti-unti na namang mababawasan ang mga taong magiging aktibo sa platform na ito. Kung ikaw ay bago palang at nasanay sa maraming upvote, mapapansin mo na ang kita ay bababa pa lalo. Pwedeng mawalan ka na ng motibasyon para dito, umalis o kung ano pa man. Sa mga matitira sympre advantage iyan dahil narin sa mas liliit ang kompetensya sa reward pool na maipapamahagi sa mga Hivers. Kung inabot mo ang mababang value ni Hive malamang ay mas matutuwa ka na bumababa pa siya dahil narin sa naghihintay ka ng tiyempo na makabili ulit.
Kaya't kung wala kang maisip na isulat aba sumali ka na sa Tagalogtrail prompts.
Prompts Para sa Ikalawang Linggo ng Hunyo 9-16
Pwede pa ba gamitin ang mga lumang prompts?
Sa post mo sympre naman pwedeng-pwede kaso ang bibilangin ko lang na valid entry sa patimpalak ay yung mga post lang na nagawa within the timeframe lang. Kunyari, kumuha ka nung prompt nung unang linggo pero ikalawang linggo na. Di na sya kasama sympre sa bilang kasi late ka na. Pero kapag naman ikalawang linggo palang sabihin natin Linggo, ang prompt ng Linggo nagawa mo ng Byernes kasama parin sya sa bilang. Basta ang importante lang ay yung ma cover ang timeline ng linggo.
Pag may tanong ka pa comment mo nalang dito. Pag magulo parin ay bala na kayo.