Lihim Na Pag-ibig

in #hive-1448389 months ago

Hello, #HiveWorld! I am hoping that everyone is having a great weekend and in the pink of health.

I love writing poetry and would want to share one of my Tagalog short poems with you today. I hope you enjoy reading it, and do let me know your thoughts.

IMG_20240406_150417.jpg

Lihim Na Pag-ibig

Nalulunod na damdamin na ang dalanging huwag ng magwakas
Matinding pagnanasang parang latigo at pagyamak na tinitiis
Sa kumikinang na ilaw ng aking pag-iral, puso ko'y naghihintay
Sa likod ng mga kurtina na nanababalutan ng liwanag
Ngunit pumusyaw at tumigil ang nakasinding tanglawan.

Ang maalab na pananabik na nakikita ko sa iyong mga mata
Nais ng aking kaluluwa na ariin ka ng buo
Ang kislap ng mahika na lumalakas habang tumatagal
Sa pag-ibig na bawal na sinubok na ng panahon
Hanggang sa bingit ng kamatayan, pangakong magpakailanman

Katulad ng blangkong pahina, isang sariwang pagsisimula
May mga panahon na ang sakit sa loob ay labis-labis
Lumuluhang kaluluwa at katawa'y tumanggi ng mabuhay
Nagdurugong puso at nangangatal na katawan
Pagsisimula ng buhay na tulad ng impeyerno

Ang balantay ng katawan mo nagdulot talanga sa aking kalamnan
Nagpapaalala ng mga matatamis na sumpaan
Ang paraan ng pagkabig mo sa akin palapit sa iyo
Parang kuryenteng nararamdaman sa bawat himaymay
Gumising sa aking diwa mula sa mahimbing na pagtulog

Ang mga yakap at dantay ng katawan mo ay nakakabaliw
Ngunit ang lahat ay dapat ng itigil at magpaalam
Isang nararapat na pasya na dapat nating gawin
Hayaang ang bukas ang maglahad ng ating kahapon
Paalam pagibig, huwag nang lumingon pa

Sa katahimikan at madilim na gabi
Pabiling-biling at hindi makatulog
Nakakaramdam pa rin ng sakit at kirot
Nagdurugo ang puso ng magpaalam sa isa't-isa
Nanatili ang alala na multong pumupukol sa gunita

Sa mundong punong-puno ng ilusyon
Lahat ng palingan ay makulay at puno ng pag-asa
Kapaligiran lahat ay mapanuksong alay
Matatamis na salita at pangungusap
Maghinay-hinay ng di matisod sa nakaabang na peligro

Sadyang ganyan ang pag-ibig
Kaakibat ang luha, pait at hinagpis
Ligaya, galak at tuwa ay katuwang din
Kasiyahan, kaligayahan at kalungkutan
Sa tamang lugar at damdamin ngunit maling nilalalang


May nililihim ka bang bawal na Pag-big? Masarap magmahal ngunit umiwas sa hindi naaayon sa batas ng Diyos at tao. Alalahanin na ang KARMA ay nasa paligid lang.☺️✌️


Thank you for swinging by and checking out the post. Catch you on my next blog.

Namaste,
@diosarich
💖


About The Author

A feisty artist and writer who balances her time penning poetry, soul-stirring content and flash fiction, sketching, and designing by using fresh blossoms, needlework, gardening, baking, and caring for her partially impaired vision Mom after her intellectually and physically challenged son passed away. She explores unexpected views that ignite her zest for life.


Sort:  

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam
Kung ako’y iibig sa isang tao
Baka ito’y mapanganib para sa akin
Naniwala ako na ito’y sa una lang masaya
Sa huli, ang naramdaman ay magbago rin.

Masarap umibig ngunit dapat ang nililiyag ay isang taong walang pananagutan sa iba para di ka masaktan at makasakit ng damdamin ng ibang nilalang. Huwag mong angkinin ang pag-aari ng iba. Iyan ay nakasulat sa batas ng Diyos at batas ng tao. Mapanganib nga ang maglaro ng apoy. Ito ay nakakapaso kaya wag hayaan ang sariling madarang sa ipinagbawal na apoy at baka matulad ng isang gamu-gamo. Salamat sa iyong pagbahagi @iamshane48788.💕🌷

May kasabihan na masarap kapag bawal Pero etoy panandalian lamang. Sandaling kapusukan at kung ikaw ay magpapabitag alalahanin na ang lahat ng bawal ay may katapusan. Kaya wag ng pangarapin pa. Masarap magmahal sa Alam mong eto'y sayo lamang wala kang kahati..... buo ang iyong kaligayahan.

Ang lahat ng bawal ay panandaliang kaligayahan lamang. Sa larangan ng Pagibig, kapag sumugal ka hindi ka mananalo at tiyak masasaktan ka at makasakit ka. Hindi ka magkakaroon ng kalinawan sa pag-iisip at tiyak lagi kang may agam-agam dahil nanlilimos ka lang. Mas masarap kapag iniibig ka ng tapat at hindi palihim ang inyong pagiibigan at taasnoo mong ipagmamalaki ito. Tama ba @aideleijoie? Hintayin ang inilaan para sayo ng Diyos at kung hindi man ito darating sa ngayon, matuto kang humanap ng pagkaabalahan na magbigay kasiyahan sa'yo. Maari mo namang ibigin ang iyong kapwa ngunit hindi sa romantikong antas. Salamat sa pagbabahagi.