Magandang araw mga kaibigan!
Bago matapos ang buwan ng Agosto ay nais kong ibahagi sa inyo ang kwento at ang karanasan ng isang ina,asawa na walang alam sa pagsusulat pero eto siya ngayon patuloy na namamayagpag sa mundo ng pagsusulat at eto ang kwento kung paano at bakit niya pinasok ang mundo ng pagsusulat.
Paano ko natagpuan ang Hive?
Ika-18 ng Hulyo taong 2021 ay inimbitahan ako ng pamangkin ng asawa sa isang blogging site eto ay and read cash,wala man akong alam sa pagsusulat ay pinasok ko ito sa kadahilanang gusto kong kumita pero hindi ko inisip kung anong mundo ang pinasukan ko.Napakahirap sa umpisa ngunit unti unti kung natutunan sa pamamagitan ng pagbabasa ng ibang mga artikulo at doon ako nagsimulang kumita.Sa isang taon ko sa pagsusulat ay masaya ako sa naging resulta neto ,dahil dito natulongan ko ang aking asawa sa mga gastusin sa bahay at ipinagmamalaki ko na hindi na kami nagkanda utang utang at malaking tulong ang naibigay nito sa amin para sa aming pinatayung bahay ngunit neto Hunyo lang ay biglang nag iba ang takbo at nahirapan na akong kumita at laking pasasalamat ko dahil sa pamangkin kong si @zbabe ay pinakilala sa akin ang hive.
Bakit ko pinasok ang mundo ng pagsusulat?
Ang hive ang naging bagong pag-asa ko na makapag ipon at maipagpatuloy ang hindi natapos namin bahay.
Tinulongan ako mg aking pamangkin na makapasok dito at eto ako ngayon dalawang buwan na sa pag tatrabaho dito.
Ang pagsusulat ang nakita kong pag asa para maka hanap at makag ipon ng pera dahil hindi ako pwedeng magtrabaho at iwanan ang dalawa kong anak ,kaya ang laki ng pasasalamat ko at napunta ako dito.Di man ako kasing galing ng iba pero gagawin ko ng lahat at ng sa may makikita akong bunga ng pinaghihirapan ko dito.
Ang kumita ng pera ang una kong dahilan kung bakit ako nandito ,kailangan kong makapag ipon at tulongan ang aking asawa na tapusin ang bahay namin.
Dati kaming nakatira s alumang bahay ng magulang ng aking asawa ngunit noong dumating ang malaking trahedya ay nasira ang aming bahay ,malaki ang pinsalang dala ni bagyong odette at aming tahanan ay isa sa mga nasira kaya eto kami ngayon nakikitira sa bayaw ko dahil hindi pa tapos ang pinagawang bahay namin.
Ang hindi pa tapos na bahay namin
Eto ang tahanan namin na sinira ng bagyo
Pangalawa,nais kong maipamahagi ang aking mga karanasan at makapagpulotan ng aral at nais kong matuto mula sa iba.
Nahirapan ako sa simula at kunti lang ang kinikita ko pero sinabi ko sarili ko na hindi agad ako susuko ,ramdam ko man na hindi ako nabibilang sa mundo ng pagsusulat pero susubokan at gagawin ko lahat ng aking makakaya.
Ilang beses man na hindi ako nabigyan pero hindi ko pwedeng gamitin tong dahilan para huminto bagkos ginagamit ko itong lakas at pagganyak at ipag patuloy ang nasimulan ko.
Limang artikulo ang sinulat ko bago mapansin at nung napansin ako ng curator ay nagbibigay ito ng lakas sa akin na magpatuloy sa pamamahagi ng aking karanasan at opinyon.
Sa dalawang buwan na pamamalagi dito ay maipagmamalaki kong nakapag ipon ako ,inilalan ko ito para sa bahay namin ngunit may mga bagay talaga na hindi natin kayang kontrolin kaya kinuha ko aking ipon dito.Dalawang beses na akong naka pag cash out ,una nasa dalawang libo at dalawang daan ang nakuha ko at nung isang linggo din ay kumuha na naman ako ng isang libo at pitong daan .Malaki ang pasasalamat ko sa hive ,sa mga curator dahil napakalaking tulong eto sa akin.
May nagawa akong mali dito pero hindi ko alam kung ano ,napansin ko na lang muted na ako sa isang kumunidad pero hindi ko alam kung bakit at naging leksyon eto sa akin na mag ingat talaga at masaya ako ngayon kahit papano ay nakakatanggap ako ,hindi man gaano kalakihan ang mahalag ay nagbubunga mga pinaghirapan ko.
Isang komunidad ng mga pilipino
At dahil sa pagbabasa ay napunta sa isang kumunidad ng mga pilipino kagaya ko at ito ang @hiveph community ,dun ko nalaman na pwede pa lang maka hiram ng hp kasi sa unang linggo ko dito ay bumili ako ng hive gamit ang ipon kong bch pero hindi ko kayang gawin yun dahil nga sa wala akong alam dito .Dahil anjan palagi ang pamangkin ko ay natulongan ako.
Nung nalaman ko na may komunidad ng mga pinoy ay sobrang saya ko kasi alam kong makakahanap ako ng kaibigan at dun napunta at nakasali ako sa discord group chat at napakalaking tulong sa aking ang hiveph kasi may webinar silang ginawa para sa mga bagohan ,at dun ako mas lalong nagaganahang ipagpatuloy ang pagsusulat .Lahat na pwedeng itanong mo ay anjan sila para sumagot at isa ang hiveph sa tumulong sa akin para maipagpatuloy at iangat ang sarili ko dito.
At para sa mga bagohan dito ,patuloy kayung magsulat wag kalimutang sundin ang mga tuntunin,wag mawalan ng pag asa kung hindi mabigyan agad ,tiwala lang at sipag.
At yan ang aking kwento ,salamat sa pagbabasa ,pagpasensyahan niyo na hindi ako masyadong marunong magtagalog ,isang bisaya po kasi ako.
Maraming salamat at magandang araw!