Dalawang Mukha.

in #hive-1884092 years ago

Hindi ako makatulog.
Hinaplos ko ang mga pisnging paulit ulit mong sinasampal
Tuwing umuuwi kang lasing na lasing.
Kinabukasan, pag sa wakas ay nasa tamang huwisyo ka na at nakita mo ang pumutok kong labi at kulay ube kong mata,
At saka mo sasabihing, "malayo naman yan sa bituka."

Nilapat ko ang aking likod sa malambot na kama.
Sa aking tabi, natutulog kang mahimbing.

Paano mo kaya naaatim mamahinga sa kama kung san mo rin ako nagawang lokohin?
Sabi mo, "Anong magagawa ko, eh lalaki ako."

Sapat palang dahilan ang pagiging lalaki para maging demonyo.

Pinili ko ang buhay na kasama ka
Pero bakit sa kalagitnaan ng paglagay natin sa tahimik, parang ako na lang ang lumalaban mag isa
Ako ang kumakayod,
Ang nagdedesisyon,
Ang naghahanap ng solusyon sa bawat kawalan mo ng direksyon.
Hindi naman pala asawa ang hanap mo kundi isang ina.
Sana hindi mo na lang sinabi noon na "Magkatuwang tayong dalawa."



Pexels

Iba't ibang kwento ng pang aabuso sa ilaw ng tahanan na sa kanya parin ang sisi sa dulo. Sinasaktan ka, "kasalanan mo yan. Baka bungangera ka kasi." Pumatol si mister sa ibang babae, "ayan losyang ka na kasi, mag ayos ka naman." Naiwan kang tinataguyod mag isa ang pamilya at ang asawa ay puro lakwatsa, "ayan kasalanan mo yan, sya kasi pinili mo, baka kasi kinunsinti mo." Sa huli, sa babae pa rin ang sisi. Pero wala syang panahong magluksa o magreklamo dahil may mga anak syang tinataguyod. Wala syang karapatang mapagod at magsawa dahil may mga buhay na sa kanya umaasa. At sa isang bansang may kultura ng mysogyny, higit pang naging mahirap para sa isang naaabusong ina ang manindigan, ang lumaban.

Marami na akong nagawang tula para sa mga ina at lagi ko silang pinipintang may ngiti sa mga labi. Ngayon, gusto kong itatak sa isip ng lahat ang dalawang mukha ng isang inang naaabuso: mukha ng pilit ikinukubling sakit at mukha ng katapangan.

Oo, katapangan. Hindi totoong mahina ang babae lalo na ang isang ina. If there is one thing I could clearly see in the eyes of a mother aside from love, it is bravery. Kaya't sana, bukod sa pagbati ng happy mother's day sa mga nanay niyo at nanay ng mga kaibigan niyo sa araw nila o buwan, gumawa tayo ng mas malaking hakbang para sa mga ina. Maghalal tayo ng mga lider na ipinaglalaban ang karapatan nila at hindi minamaliit ang kakayanan ng isang babae. Nakaukit na ang misogyny sa ating kultura kaya naman it takes a larger scale to reverse it.

Pexels
I hope that when you look at your Mom, you can also trace that strength and bravery. Honor her for all the fights she silently fought, including the fights she hid from you so you can see the world in bright colors...
Mabuhay ang mga Nanay!

Sort:  

I hope that when you look at your Mom, you can also trace that strength and bravery.

Always.

❤️❤️❤️

Awww, medyo teary ako dito sa blog and sa tula mo. Grabe, somehow naka relate ako lalo na nung time na iniwan ako ng first partner ko.

Isa kang dakilang ina ate dahil hindi mo pinabayaan anak mo at tinaguyod at Pinaglaban mo talaga siya. Salute to all single mom out there like you ❣️

Thank you kapatid. ✨🤗

Congratulations @moontrader! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You received more than 1000 upvotes.
Your next target is to reach 1250 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out the last post from @hivebuzz:

The Hive community is in mourning. Farewell @erikasue!
Level up your NFTs and continue supporting the victims of war
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!

Source of potential text plagiarism

Plagiarism is the copying & pasting of others' work without giving credit to the original author or artist. Plagiarized posts are considered fraud.
Guide: Why and How People Abuse and Plagiarise
Fraud is discouraged by the community and may result in the account being Blacklisted.

If you believe this comment is in error, please contact us in #appeals in Discord.