Magandang gabi sa lahat. Dahil buwan ng wika ngayon, ako'y susulat ng isang tula para sa aking ina na naging ilaw sa buong buhay ko hanggang ako'y maging isang ina na rin na kagaya nya. Para sa lahat ng ina dito sa Hive, nawa'y magustuhan nyo ang aking gawa ngayon araw. Mabuhay tayong mga ina.
Para sayo Mama.
Ina, isang katagang responsibilidad ay mabigat.
Dati'y di ko tantiya kung gaano kabigat sapagkat,
Di ko pa naman nararanasan
At di ko wari gustong gampanan
Dati, di kita maintindihan
Lalo kapag kami ay napapagalitan
Na para bagang gawa nami'y puro kamalian.
At sayo'y nagtatampo minsan.
Ma, ngayon ako'y isa naring ina na.
Nung pinagbubuntis ko ang anak kong una,
Napag-alaman kong mahirap maging ina.
Lalo kapag anak ay nailuwal na.
Ngayon, naiintindihan na kita.
Na di madali maging ina lalo at may mga naninita.
Pero sabi mo nga, wag sa kanila'y ako mairita
Sapagkat pagiging ulirang ina ang aking naipapakita.
Sabi mo pa, ako'y iyong ipinagmamalaki.
Palagi kong nakikita ang yung ngiti.
Hindi ko nga lang wari
Pero sabi mo'y kaya kong gampanan ang aking anak hanggang paglaki.
Ma, salamat sa pag-aaruga.
Salamat sa pagmamahal at pang-unawa.
Ngayon, ito na ang aking ginagawa.
Tatagan ang sarili para responsiblidad ay magawa.
Sayo ko natutunan ang lahat.
Sayo ko nakita at naramdaman lahat.
At alam ko, hanggang lumaki ang aking anak,
Mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal mo na kay lalim at di payak.
Mahal kita ina.
Inaalay ko sayo itong kanta.
Hindi na ito bago hindi ba?
Pagkat ito'y narinig mo na sa'kin o sa'ming iyong anak na may luha sa mata dahil sa saya.
I wrote this poem today and want to sing this song for her when I saw her how she manage to assist my sister who gave birth. All the things my mom did for us flashed back in my mind. Today was our fiesta in our hometown of my parents. And she's busy but she still able to find ways to assist my sister.
This song and poem are also dedicated to mommies here in hive. I know it's not easy to be a mom, and I know you're proud of yourself for being strong. Just keep going mommies, we're all amazing moms.
That's all for today guys. Thank you for listening to my song cover and reading my short poem dedicated to my mom. 🤗
▶️ 3Speak