Araw ng Kalayaan, Ang Tanong: Malaya Nga Ba Tayo?

in #hive-1994935 months ago

Maganda magpaka-bitter tungkol sa paksang ito pero di natin gagawin 'yon sa post natin sa araw na ito. Makatanong naman kasi yung prompt ng Tagalog Trail sa araw na ito e nakaka-trigger. Haha.



Sa Tingin Ko Ba Malaya Na Tayong Mga Filipino?

1. Kung pilosopo atsaka history buff ang sasagot, malamang ang sagot, siyempre oo.

Sapagkat tayo ay binigyan na ng kalayaan ng mga Amerikano matapos nila tayong bilhin sa bansang Espanya. Hinayaan na nila tayong magkaroon ng sariling gobyerno mula noong Hulyo 4, 1946 kaya puro Pinoy na ang nagpapatakbo.

Yaman nila 'no? Kaya bumili ng isang bansa. O di waw. Hahahaha. Tapos ano nangyari, inutu-uto mga Pinoy kunyari mabait sila pero mananakop din naman. Daming pinatay na mga kontra sa kanila nung giyera pero pinalabas nila na sila yung tama at tayo yung mali kahit sila yung dayuhan sa bansa natin. Kaya marami pa rin bulag sa mga kaisipang Amerikano dahil diyan. Ay teka teka... di nga pala tayo magpapaka-ampalaya por todey's bidyow... 😂


Manila City Hall clock tower in the background. Photo by @artgirl



2. Kung "makabayan" ang sasagot, ang sagot ay hinde

Bakit hindi? Meron kasing iba gusto bumalik sa panahon bago dumating yung mga Kastila. Malaya na nga tayo mula nung pinalaya tayo nung 1946 di ba pero dahil tayo ay nasakop na bansa marami tayong mga salita, pagkain at pati relihiyon na galing sa Espanya at Mexico.

Syempre mas lalo na lahat ng galing sa Amerika, kasama na riyan ang Protestantismo. Sila nagpasok nyan dito sa Pinas eh. Talamak na talamak mga kaisipang Amerikano ngayon pati nga diyaryo natin kala mo taga-Amerika babasa eh. Naging bahagi na ng kultura at buhay natin ang mga nakuha natin mula sa mga bansang una at pangalawang sumakop sa Pilipinas.

Pero sino nga ba ang mga matatawag na "makabayan" n mga ito? Tawagin natin silang mga "decolonialist". Ewan kung yun tawag nila sa sarili nila pero yun ang tawag ko sa kanila. Yung mga mahilig sa alibata o baybayin, mga naniniwala sa kung anu-anong sinaunang pamahiin tsaka mga hilig ay maka-tribo na mga art, atbp. Kasi minsan na rin akong naging ganyan mag-isip pero nagbago ang lahat nung magbalikloob ako sa Panginoon.

Kung mahilig kayo mag-aral tungkol sa kasaysayan malalaman nyo na halos mula sa Europa lahat ng mga bagay-bagay sa mundo. Pati relihiyon doon nanggaling aba. Eh siyempre ang Israel malapit lang sa mga bansa sa Europa. Ay nakupo aralin nyo ang kasaysayan ng mundo + Bibliya tiyak marami kayong malalaman.

Anyway, inabot ng sariling pag-aaral ko yung hanggang sa Amerika pala ang mga Pinoy doon may problema sa pag-iisip. Mental Health issues nagsisilabasan doon mga bes. Doon nila nakikita at unti-unting tinatanggal mga "colonial mentality" nila. Mga Fil-Am may mga isyu sa buhay gaya rin ng ibang tao o lahi.

Sumulat ako ng tatlong post tungkol sa paksang ito. Para di humaba ito pakibasa na lang po dito:

image.png
source




Oo Malaya Na Nga Talaga ang Bansang Pilipinas Pero...

Kung ako tatanungin, wala namang duda na malaya na talaga ang Pilipinas. Nagagawa nating lahat ang mga gusto natin. Walang mga dayuhan na nagsasabi bawal ang ganito at ganyan sa sarili nating bayan. Tayo ang nagsasabi kung ano ang dapat at di dapat gawin natin sa ating bansa. Walang pakialam ang mga Espanyol at mga Amerikano. Etsapuwera sila at bawal makialam kahit sinong dayuhan. May sarili tayong mga batas, kaso malamang maraming di sumusunod. Haha.

Kung ang tanong ay tungkol sa kalayaan ng bayan, walang duda oo malayang malaya tayong lahat. Masaya maging Pinoy. Kahit maraming mahirap may mga nakakapagtapos pa rin ng pag-aaral. Naku sa siyudad ng Maynila pa lang ang daming mga kolehiyo roon.

Pero ayun na nga, may pero talaga eh. Haha. Pero yung utak natin utak ng mga nasakop pa rin hanggang ngayon. Gusto natin mga gawa sa ibang bansa palagi kasi sanay tayo na inaalipusta sa sariling bayan. Kaya ayun, hanggang ngayon tingin natin mismo sa sarili natin at sa kapwa Pinoy e mababa. Mahilig pa mang-alipusta ng taga-ibang lugar. Halimbawa pag galing sa ibang probinsya napunta sa siyudad o kaya taga-NCR napunta ng Cebu City ay naku po. Haha.

Marami sa atin mas tinitingala yung mga dayuhan gaya ng mga Amerikano. Basta puti ang balat, gowwww, lodi na yan. "AFAM is layf," ganyan. At maraming proud sa ganyang pag-iisip. Kaya kung malaya man ang ating bansa, ang utak ng marami sa atin ay alipin pa rin. Karamihan napakababa ng tingin sa sarili at sa mga kababayan at sariling bansa. Yan ang malungkot na katotohanang dala ng pagiging alipin ng mga banyaga ng napakatagal na panahon.

Napakabagal umusad patungo sa kalayaan ng pag-iisip para sa sarili at sa kapwa. Hindi alam kung paano gagawin kasi nabulag na nga at naniwalang wala tayong kwenta laban sa mga dayuhan kaya ayaw maniwala sa sariling kakayahan. Ayaw sumunod sa mga batas ng sariling bayan, gusto sunud-sunuran sa mga ginagawa sa ibang bansa. Maski batas ng Diyos ayaw na rin sundin. E di saan tayo pupulutin nyan? 😂

Ibang klaseng pagkakulong na yung meron tayo. Sa ating kaisipan alipin pa rin tayo ng mga banyaga, lalo na ng mga Amerikano. Kailangan matuto na tayo na mag-isip para sa sarili natin na may pagsunod pa rin sa mga batas ng Diyos.

Kaya naman nating gawin ang kaya ng mga sumakop sa atin at mas higit pa kung gusto talaga natin. Ang dami nga mga OFW aba, tayo talaga ang tumutulong na umunlad bansa nila. Ngunit subalit datapwa't 😂 wala talaga eh. Kung titingnan mo buhay ng marami ngayon, matagal pa bago mangyari yang kalayaan ng pag-iisip. Wag nyo na isipin kung kailan, matagal-tagal pa 'yan.

Ito na lang dasal ko sa araw na ito:


image source

XOXO,
@artgirl





image breaker.jfif

Spam or irrelevant comments will be downvoted if not revised upon warning.

Written by @artgirl for Hive
© Art x Stephanie Rue / Lucy Stephanie

@artgirl is a freelance writer/blogger/artist, online seller, real estate agent and Manulife financial adviser.







Join Hive thru ecency, Click Here!

Like what you read?
Upvote, Follow and ReHive/Share for appreciation.

♥ Thanks! ♥

Sort:  

Malaya na tayo as a nation kasi pwede na tayong makapili ng pinuno natin. untitled.gif

Bente pesos na bigas wen???

Ay putek, exception yan! 😂 😆