Magandang Araw Hivers! Ako’y umaasa na nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa ng aking blog ngayon. Plano ko sana na mag-blog sa #tagalogtrail komunidad kahit isang beses kada lingo ngunit nakaligtaan kong magblog last lingo, kaya ngayon ako ay naririto para magbahagi ng isang kwento ukol sa ganapan ng aking buhay.
Ngayong araw gusto kong ibahagi ang isa sa hindi inaasahang araw ko. Sa intro pa lang parang may kababalaghan na mangyayari, pero hindi. Ang aking ibabahagi ay ang isa sa mga araw na hindi ko inaasahan na mag-roroadtrip kaming mag-asawa.
It was an ordinaryong araw kung saan kakain kami sa isa sa karenderya ng aming bayan. Na-iblog ko na ito na kami ay mahilig kumain sa labas kapag kami ay tatamarin sa pagluto at lagi kaming tinatamad magluto. Kaya lunch time nang maisipan naming lumabas upang kumain. Nang patapos na kaming kumain ay umuwi na kami sa aming bahay, habang kami ay papauwi, may topic kaming napag-usapan na di dapat ibahagi sa kapitbahay.
Nang nakarating na kami sa aming bahay ay hindi parin kami tapos sa aming diskusyon, kaya naisipan naming lumabas na naman sakay ng aming sasakyan. Ito ang malimit naming ginagawa kapag may mga pribado kaming pinag-uusapan lalo na kapag ito ay tungkol sa aming trabaho. In short, kapag gusto naming magchikahan at mag-marites.
Dahil nasa mood kaming magchikahan, naisipan naming mag-road trip habang nag-uusap. Ang direksyon namin ay papunta sa kabilang bayan. Ito ang bayan ng Borbon. Ang Borbon ay isang tahimik ng bayan kung eh-kokumpara sa aming bayan. Hindi pa ito lubos na maunlad kung ang pagbabasehan ay ang aming bayan na Tabogon, pero unti-unti gumagawa ang mga politiko sa lungsod na baguhin at paunlarin ang bayan ng Borbon.
Ang aking asawa ay naisipan na dumaan sa bukirang bahagi ng Borbon na may daanan din papunta sa national road at pagkatapos ay uuwi na rin sa aming bahay. Ito ay tinatawag naming round trip.
Habang nagbyyabyahe kami, pinipit ko na naman ang aking asawa na mag-stopover para kumuha ng pictures para sa blog na ito. Ako ay umaasa na magustuhan niyo ang mga litrato ng mga bundok at kahoy na ibinahagi ko ngayon sa blog na ito.
Dito na nagtatapos ang aking kwento. Magaling akong magsalita ng tagalog pero hindi ako mahilig magsulat gamit ang lengwahi na ito. Sa pamamagitan ng pagpost sa komunidad na ito, malay natin mahasa ang aking pagsusulat ng Tagalog.
Maraming Salamat. Aasahan ko ang inyong suporta sa pamamagitan ng pag-reblog, pag-upvote at paglagay ng komentaryo. Maraming salamat po.
Writer: Maureen S. O