Ang Mundo ng AI

in #hive-1994934 months ago

Sa panahong ito, trending ang usapang AI, lalo na nang lumitaw ang mga AI tools tulad ng Chat GPT at mga AI image and Video Creator.

image.png
Image Created Using Bing Image Creator

image.png
Image Created Using Bing Image Creator

Pero alam n'yo ba na hindi lang naman diyan sikat ang AI, marami nang bagay at gamit ang may AI simula nang na-imbento ito, maaaring hindi lang natin alam pero baka nakagamit na rin tayo nito o nagamit na rin ito sa atin.

May mga gumagana nang AI sa iba't ibang aspeto ng buhay natin tulad ng Medical, Transportation, Marketing at iba pa.

Kung nag-dra-drive ka at gumagamit ka ng Waze ay nakagamit ka na rin ng AI, kaya nga minsan nireredirect tayo ng app kapag traffic o may aksidente sa daan.

Ang mga online shopping app gaya ng Lazada ay gumagamit din ng mga ganyan, ginagather nila ang data mo at doon ay nag-aactivate ang AI kung ano ang mga produkto na pwedeng isagot sa iyo.

Uso na rin ang mga chatbots ngayon sa customer service kung saan machine na ang kausap mo at bibigyan ka niya ng sagot base sa tanong mo at data na alam niya sa iyo.


image.png
Image Created Using Bing Image Creator

Ilan lang ito sa mga AI na maaaring hindi mo alam na AI dahil ang naiisip mong AI ay yung mga tulad ng Chat GPT at Image creator.

Maraming ayaw sa AI, masyado na daw marami ang ginagamitan nito at isa sa mga pangunahing rason kung bakit ayaw nila nito ay dahil kinukuha nito ang trabaho na sana ay para sa tao, ibig sabihin kapag mas dumami ang mga bagay na ginagamitan ng AI tulad ng ilang makina na ginagamit sa manufacturing, maraming tao ang mawawalan ng trabaho.

Kung lahat ng kumpanya ay gagamit ng chatbot para sa customer service nila, ilang tele-agent din ang mawawalan ng trabaho?


Dahil sa mga AI na yan tulad ng Chat GPT, ilang copywriters na rin ang nahihirapan nang makakuha ng raket. Dagdag mo pa ang mga image creator na gaya ng DALLE na gumagawa ng magagandang image na nagbabawas ng pangangailangan para sa isang Graphic Artist na gaya ko.

Dahil kahit hindi naman writer or artist basta alam ang prompt na gagamitin ay makakalikha sila ng magagandang write-up at graphics.

Ang isa pang rason bakit ayaw ng tao sa AI lalo na sa mga tulad ng Chat GPT ay maaaring gumawa ang tao ng ganito at gamitin lang sa kasamaan.

Ang mga ganitong AI ay kaya ng gumawa ng mga codes o program na maaaring gamitin sa pang-scam, pati ordinaryong tao basta may idea siya kung paano ito gamitin ay maaari niya itong magamit sa pandaraya.

Kaya nga karamihan ng platform dito sa Hive ay pinagbabawal ang AI kung mapapansin n'yo, kasi mag-ta-type ka lang ng magandang prompt at lilikha na ang AI ng isang magandang content para sa iyo.


image.png
Image Created Using Bing Image Creator

Ginagawa nitong tamad ang mga tao, dahil sa AI ay hindi mo na halos kailangan pag-aralan ang ibang mga bagay, ibibigay na sa iyo ng AI ng detalyado ang mga steps kung meron kang gustong gawin.

Ang huling alam ko na rason kung bakit ayaw ng marami sa AI ay dahil wala itong Emosyon, wala itong empathy sa tao kaya may mga pagkakataon na mali ang sagot nito sa ilang mga tanong na may kinalaman sa emosyon ng tao.


Konklusyon:

Para sa akin, maganda ang AI, tingin ko naman ay maganda rin ang intensyon ng nagpasimula ng ideya nito. Ang masama ay ang mga tao na ginagamit ito para makapandaya, makapanlinlang at makapang-gulang.

Para din itong baril at pera, magiging masama lang ito depende sa gumagamit at kung aabusuhin ang pag gamit.

Sort:  

!LOL

Posted using MemeHive

What did the priest get the altar boy for his birthday?
A Praystation 5

Credit: reddit
@lolodens, I sent you an $LOLZ on behalf of holovision

(7/10)
NEW: Join LOLZ's Daily Earn and Burn Contest and win $LOLZ

Nice pananaw Bro. Anong AI app gamitin yong tanggap sa FB?

For research ang gamit ko ay Chat GPT
kapag naman image generation Bing Image Create

Lodens, for me oks naman ang AI in some point. Yung chatbot lang talaga ang kaaway ko hahah. Dami ko na instance na di ako kahit kailan nasagot nang tama! Pag nag rerequest ako ng ahente paulit-ulit lang ang bato sa akin ng prompt instead na makatulong lalong nakakagulo.

The rest such as the navigating apps super helpful para sa akin since hindi naman ako masyado nakaka alis ng bahay.

Yan ang isa sa kapangitan ng AI Chatbot, kase yung mga data lang nila kaya nila paikut ikutin na sagot, what if yung problem mo eh wala sa data nila, hindi ka na nila masasagot kasi hindi naman learning AI yung mga gamit nila dun, baka mas matalino pa AI ng Waze. hahaha!!!! Hindi din nila alam kung bwisit kana. Diskarte nila yan eh para mag tiis tayo sa kung anong service lang gusto nila ibigay.

Congratulations @lolodens! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 4500 upvotes.
Your next target is to reach 4750 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Hive Power Up Day - June 1st 2024

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@eustace-kidd(1/5) tipped @lolodens

Some of this AI like GPT are outdated, as per GPT its last update is Jan 2022..

At ang pinaka coolest AI talaga is yung Image Generator, if nahihirapan ka mag-consept ng art, AI ang pinaka magandang hingan ng tulong.. Wag mo lang gagamitin yung buong art na iibigay sayo, kung hindi mayayari ka.. HAHAHA..

!PIZZA

maganda yung AI art pang create ng mga elements na gagamitin mo sa buong art mo tapos ikaw mag co compile


AI Generated

OIG1.AqzZadQz.jpg

EDITED

man-2.png

Sa aking opinyon natural lang sa tao na matakot or ayaw or galit sa pagbabago kahit ano pa man yan. Para sa akin tangap ko lahat ng technological advancement sa kahit anong aspeto. Buti nga meron ng social media dito sa crypto world at tangap nating mga Hive community. Pero kapag dating mo sa reality ano sasabihin sa iyo? Scam dba? Mas pabor nila ang fiat social media kasi yun ang mainstream. Noong 2009 nakilala ko crypto wala naman nagsasabi scam bakit kaya? 😅

Hindi naman kasi natin mapipigilan talaga ang pag usad ng technology, nasa mga tao na lang talaga kung pa paano ito gagamitin, nakakalungkot lang na may mga tao talagang masasama ang intensyon at ginagamit ang mga new tech sa masamang paraan.