Sikat si Raffy Tulfo sa pag aayos ng mga problema ng Pilipino sa bansa, may mga problema simple, meron namang mabibigat at merong mga problema na ini iisip natin kung bakit kailangan pang ipa Tulfo at natatawa na lang tayo.
Image Credits: Screenshot from Raffy Tulfo's Youtube Channel
May mga problema na tingin ko dapat talaga nyang paki alaman at ilagay sa show tulad ng mga na a agrabyadong tao na dahil tingin ng sangay ng Gobyerno ay maliit na issue ay hindi nila pinapansin, o kaya ay mga issue kung saan dawit ang mga makakapangyarihang tao na alam nating mahirap kalaban sa korte dahil ma impluwensya at mahaba ang pisi na i aarya. Pero ang tanong - yung mga problema ba sa pamilya ay dapat pang ipa tulfo?
Pero bago ko sagutin ang tanong na ito, gusto kong ipa alala sa inyo na opinyon ko lang ito. baka kasi may mga tao dito na nakapag pa Tulfo na at matamaan sila sa mga salita ko. Syempre pag nag react kayo ng pag kainis ay malalaman ko na isa kayo sa mga ganitong klaseng tao. hahaha!!!
Tulad nitong napanood ko, ang allowance ng bata ay 500 per day, minsang pumalya ang ama at naging 200 ang binibigay pina Tulfo na ng mag ina. Although tingin ko ay hindi iyan ang totoong ugat ng pag papa Tulfo nila ay iyan ang ginamit nilang dahilan.
Video Credits - Youtube @RaffyTulfoInAction
May mga problema na hindi mo dapat dalhin kay Tulfo, kung tingin mo na agrabyado ka, may mga sangay ng pamahalaan na mag aayos ng problema mo.
Ang tingin ko dito ay gustong gumanti ng dating asawa sa ama ng bata at gusto nya itong bigyan ng trial by publicity pero nag kamali sya doon.
Gusto nyang pahiyain ang Ama ng bata at ang bagong kinakasama nito sa ganitong pamamaraan.
Akala ng mag ina na ito ay makukuha nila ang simpatiya ng tao, sa huli sila pa ang na bash ng publiko.
Tingin ko ang mali dito ay ang pag entertain ng programa ni Raffy Tulfo sa mga ganitong klaseng problema, pwede tayong mag assume kung bakit nila tinatangap ang mga ganitong problema pero syempre, kahit naman ano pa ang pananaw natin ay nasa kanila pa din ang aksyon.
Yung problema ng pamilya, hindi na dapat brino broadcast yan, kahit nambabae asawa mo, niloko ka ng misis mo, o kung anu pa man. Bakit? kasi hindi lang naman yung nirereklamo mo ang kahiya hiya, lets say babaero ang naging asawa mo, hindi mo ba naisip na nag rereflect iyon sa choices mo sa buhay? na pinapakita lang noon na hindi ka marunong pumili.
Kung may mga anak kayo ay kinakaladkad mo din ang mga anak mo sa kahihiyan, malalaman pa ng buong mundo na ganito ang nang yayari sa pamilya nya.
Kung may problema sa pamilya, may sangay ng pamahalaan na mag aayos nyan sayo.
Image Source: Generated using Bing Image Generator
Ang hindi kasi maganda sa ganyang paraan ng pag solve ng problema ay trial by publicity iyan. iba iba opinyon ng tao at hindi naman legal na paraan yan.
Opinyon ko lang naman ito, maaring meron sa inyo na yan ang gustong pamamaraan, yung i broadcast ang buhay nila sa madla pero ako, hangat kaya kong ayusin sa loob ng bahay o sa pakikipag usap, bago pa man umabot sa asunto ay iyon ang gagawin ko.
Una, ayaw ko maubos ang oras ko sa mga bagay na tingin ko kaya naman iresolba ng hindi na kailangan ng ibang tao. at pangalawa wala akong balak na ma kilala at ma alala ng publiko dahil sa pangit na issue.