Masaya ka ba? Totoo ba yang saya na nararamdaman mo?

in #hive-1994934 months ago

image.png

ⁱᵐᵃᵍᵉ ᶜʳᵉᵃᵗᵉᵈ ᵇʸ ᵇⁱⁿᵍ ⁱᵐᵃᵍᵉ ᶜʳᵉᵃᵗᵒʳ

Ano nga ba ang ibig sabihin ng "Masaya"? Bago natin malaman kung masaya nga ba tayo ay dapat muna nating malaman kung ano ang ibig sabihin ng salitang ito.

Syempre iba iba ang depenisyon nito depende sa kung ano ang prinsipyo ng nag sasalita.

Minsan naman ay posibleng akala natin ay masaya tayo pero sa likod ng isipan natin ay may mga nakatagong pag dududa kung masaya nga ba.

Para sa akin ang ibig sabihin ng masaya ay yung estado ng emosyon mo tungkol sa buhay mo kung saan wala kang ina alala o prino problema.

sa madaling salita, ang masaya ay ang absence ng worries, anxiety, insecurities at fears. kung meron kang mga ganto sa buhay mo, hindi ka masaya, nag sasaya sayahan ka lang.

hr.png

Ako masasabi kong masaya ako, kasi sa totoo lang, wala akong ina alala sa buhay. Hindi ako mayaman pero hindi din naman mahirap. Kailangan kong kumayod araw araw para may mesa sa pagkain namin.

Ang kadalasang ini isip ko sa buhay ko araw araw ay kung ano ang gagawin ko sa mga libreng oras ko, ano ang kakainin ko at kung ano ano pang maliliit na bagay.

Ang totoo, noong kabataan ko ay malungkot ako. lagi kong hinahabol ang pera kaya lagi akong na i istress. Gusto ko kasing yumaman pero hindi ganun kadali.

Ngayon hindi padin ako mayaman pero hindi ko na hinahabol ang pera. dumating kasi ako sa point na nakita ko na hindi pera ang nag papasaya sa tao.
hr.png

Paano nga ba ako sumaya?

Malamang madami sa inyo sasabihin Corny ako, pero ang totoong nag pasaya sa akin ay noong mas nakilala ko ang Panginoon. Christian po ako

Kapag pala binigay mo kay God ang buhay mo at may tiwala ka na sya ang may kontrol sa buhay mo, mawawala na yung mga alinlangan mo sa buhay. Hindi ka na matatakot kung ano kakainin mo bukas o kung ano ipapakain mo sapamilya mo.

Kapag din nakilala mo ang Panginoon, unti unti nang mawawala ang desire mo sa mga bagay na nag papasaya ng laman, mga materyal na bagay, fame at kung anu ano pa na gustong gusto ng tao.

Noong nakaraang pandemic halos karamihan walang trabaho. pero maniwala kayo at sa hinde, hindi kami nagutom, nabayadan ko lahat ng bills ko at nang patapos na ang pandemic ay nagkaroon pa ako ng bagong work.

Madami pang pang yayari sa buhay ko na ini asa ko lang sa Panginoon ang lahat at hindi naman ako nabigo.
hr.png

Madalas nag lalakad ako sa daan o kya ay naka upo lang sa bakuran tapos masasabi ko. " God, ang saya ng buhay no? Thank You po!" na hindi ko kayang sabihin noong hindi ko pa talaga kilala si God.

Malamang madami sainyo sasabihin, "Ako din kilala ko si God" pero sigurado ako, madami sa inyo alam lang ang pangalan nya at kilala lang sya pag may problema.

Hindi ko sasabihing higit ang faith ko sa inyo, pero kung nasa punto ka ng buhay mo na sinasabi mong kilala mo sya pero madami ka pang takot sa buhay. "Kilala mo lang sya" pero wala kang tiwala sa kanya.

Hindi naman perfect ang buhay ko, syempre kahit sinasabi ko na nakilala ko na si God, nagkaka sala pa din ako, pero alam ko na hindi ako tatalikudan ni God dahil binigay ko na sa kanya yung manibela ng buhay ko.

Totoong may problema sa buhay pero kung yung mga problema ay hindi ka pinag a alala at hindi mo naman nakikita bilang problema dahil alam mo ang sagot. hindi na problema ang tawag dyan.

Maaring problema yan sa ibang tao pero sayo hinde.
hr.png

Awit 37:4 "Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan."

Untitled-1.jpg

Sort:  

Ang lalim nun Boss..

God Bless...

!PGM
!PIZZA

Hahaha! Mababaw lang yan... :)

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@eustace-kidd(2/5) tipped @lolodens

True Happiness Can Only Be Found In God!

Naalala ko ang kantang lumang kanta sa mga local church.

hahaha! oo nga pala, may kanta nga palang ganyan. :)

Mas maging masaya tayo kung payapa Ang ating puso at isipin.
We have contentment in life and as long as we are with the people we love!

Tama ka dyan, kailangan nating matutunan na maging kunteto sa buhay.

Congratulations @lolodens! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You published more than 90 posts.
Your next target is to reach 100 posts.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Hive Power Up Day - June 1st 2024