Ala-Ala Nalang

in #hive-1994935 months ago

IMG_20240629_155243.jpg

Ito na naman ako, nakatulala at nakatitig lang sa kawalan
Nag iisip na naman nang malalim, puro problem lang naman
Mga problem'y di na natapos, ano ba naman yang buhay na yan

Gusto ko nalang bumalik sa pagiging bata, at maglaro nang bahay-bahayan
O kaya makipag habulan, madapa man ay okay lang yan
Hihilom at hihilom ang sugat, at pwede na ulit makipag babagan
Ganyan lang ako nong bata ako, di pa uso ang mga problemang yaan

Ang tanging problema ko lang noon ay paano mapatumba ang lata gamit ang aking tsinilas na dilaw
O kaya naman paano manalo sa text sa mga kalaro kong halimaw
Nahirapan din ako nong una na patakbuhin ang gulong na naitabi ni Inay
Pero kalaunan, akin ding yong nagamay

Gamit ang maliit na patpat, husay ang pag takbo ko sa gitna nang ulan kasama ang mga kaibigan
Paligsahan, magtatawanan, tatapat sa dulo nang bubong para magpaulan
Minsan di maiiwasan ang pag aawayan
Pero sa huli, uuwi rin kaming naghahalakhakan

Magkakanya kanyang takbo sa direksyon nang sariling bahay
Pero asahan nang pag uwi'y may sasalubong na patpat sa loob nang bahay
Si Inay, galit na galit, hahagilap yan nang kahit anong available na weapon
Masakit mapalo pero yong saya habang kami'y naglalaro'y hindi matutumbasan nang kahit ano pa man

Hindi perpekto ang aking kabataan
Hindi lang to puro saya dahil may halo din tong drama at iyakan
Pero isa yan sa masayang babalik balikan ko paminsan minsan
Habang nagbabalik tanaw sa aking masaya at puno nang buhay na nakaraan.

20240501_143949_0000-removebg-preview.png

Yiehhhh! Ako'y kinikilig sa sarili kong gawa. Ang tagal na din kasi nong huli kong gawa nang tula. Sa totoo lang wala pa 'kong maisip nong una. Pero nong naalala ko yong pinansyal na problemang aking pinakaiisip mula pa nong nakaraan, biglang dagsaan sa isip ko ang mha ideas. Simple lang pero salamat at naka buo pa rin. At sa totoo lang talaga, lahat nang nakalagay dito ay tunay, sa totoo lang gusto ko nang bumalik sa pagka bata para di na ako mag isip nang mag isip nang aking mga problema, aigooo. Ang buhay talaga ay parang life. Minsan ay sad, minsan ay malungkot. Sana kasi, palagi nalang happy at masaya ಥ‿ಥ. Mas peaceful sana at mapayapa ang life, hayssst!

Kamusta life mo?

Sort:  

Napakaganda ng childhood mo😸 di ko masyadong naranasan mag laro ng tumbang lata pero ok lang naman at nabasa ko ulit yan dito.

Hehe, yep, pero syempre di naman lahat, pero kada babalikan ko childhood memories ko, di ko maiwasang matuwa, hehe.

Please post here always😸 natuwa Ako sa story mo. Nakakawala ng stress🩷

Loading...