Sa totoo lang talaga, ang laking tulong ni Hive sa akin, lalo na sa financial needs. Salamat kay Hive, may nagagamit akong kwarta panggastos sa bahay, lalo na yong pang bili nang ulam ba. Bukod diyan, ginagamit ko din ang kita ko sa Hive na pang bili nang snacks, na syempre binibili ko para sa Mama at sa mga Oldies. At dahil dyan, tunay namang napapasaya ko sila, at syempre, lagi ding masaya ang tiyan nila, busog eh, lol. Kaya nakakagana bumili minsan nang masarap na snacks, kasi super naaappreciate nila.
Sa totoo lang, ang dami ko nang pinag gamitan nang kita ko kay Hive. Minsan naga P2P ako sa fellow HivePH member para mapalitan ang HBD ko, like if kailangan ko nang load or if need ko bumili nang ganito, ganiyan. The other day, nag withdraw ako ulit, but as allowance ko naman yon. Kasama na dun ang pang bili ng ulam or whatever. I could get more kong meron sana ako g regular job, kaso mo nga, mas gusto kong nasa bahay lang, lol. At least nababantayan ko mga oldies.
And during my hospitalization, ang laking tulong din sakin ni Hive. Yong pinakaiipon konh Hive noon saka HBD ay naka tulong nang malaki para mabayaran yong bills namin. Kaya nga super thankful ako eh, paano kung walang hive? Paano kung hindi ako nag sipag nong nakaraamg taon para makapag ipon? At paano nalang kung hindi ako nag cumback - err, come back dito sa hive.blog? Malamang nganga pa din till now. Nakaka lungkot lang kasi, nong nangyaru yon, medyo mababa pa price ni Hive. And kung kelan naman na tapos na, saka pa tumaas, aguy na. Mapag laro talaga ang market, lol.
Pero teka, sa lahat nang pinag kagastusan ko gamit si Hive, noong birthday ni Mommy at mama ako pinakamasaya. March 19 yon, birthday nang Mama at Mommy ko, turning 70 na si Mommy kaya nag request siya nang cake. Syempre sagot ko na yarn, lol. Tapos si mama ni-ask ko naman if gusto din ba niya nag cake or money nalang. For sure alam nyo na ang sagot ano? Hahahaha. 54 naman na sya now, patanfa na talaga ang mga mahal kong nanay (っ˘̩╭╮˘̩)っ. Yan yong isa sa pinakamasayang araw na naglabas ako nang money galing kay Hive. Kung wala si Hive, malamang si Mommy nalang panigurado ang bibili ng cake. Gift sa self, ganon. Buti nalang may Hive kaya ayon, hihu.
Mag bigay lang ng isa pero ang daming binigay, ahahahaha. Yon lang muna, bye bye!
Kung wala kayong maisulat, join na din kayo sa ikalawang linggong promps sa Tagalog Trail Community. Mangyari lamang na e-lick itong blue link.