Flying Saucer Sandwich na May Iba't Ibang Flavor as a Negosyo? Tingin Nyo??

in #hive-1994935 months ago

Sa halagang 5K pesos ano ang magandang small business?

IMG_20240625_131904.jpg

Noong college ako, may favorite akong meryenda na mura lang at saka makakain mo ito na mainit pa. Saka lang lulutuin kapag oorder kana. Pero hindi to burger ha. May iba't iba itong flavor, syempre depende dun sa nagtitinda kung anong available na flavor. Meron Tuna, may Hatdog, May Ham, Egg Sandwich saka Spicy Tuna - favorite namin yang Spicy Tuna, share ko lang. Mura lang ito noon, mga 10 PHP ata isa. Saka kahit isa lang orderin mo, busog na busog kana. Sabayan mo pa ng malamig na sago't gulaman juice, ay siya, solved na solved na!

Wala nalang akong nakikita na nagtitinda nang ganito dito sa lugar namin. So kung may isa-suggest ako kung anong magandang business gamit ang limang libo, dito na sandwich na ito. Flying Saucer Sandwich na may iba't ibang flavor. Siguro limited lang muna sa mga flavor na Cheese, Ham, Hatdog, Tuna, or pwede ding double flavor, syempre add nalang ng bayad kapag ganiyan. Naisip ko to mejo matagal tagal na kasi nga naalala ko that time yong sandwich na yan. Naisip kong pwede ko siyang gawing business sa amin ba.

Siya nga pala, yong sandwich spread sa flying saucer na alam ko ay yong parang ladies choice lang na may flavor. Sa inyo ba anong palaman nang flying saucer sandwich nyo diyan sa lugar nyo? Kapag naman nakahanap na nang ibang pwedeng ipalaman sa sandwich, pwede naman siyang e-add sa menu later. Pero the best sa akin yang mayonnaise na may iba't ibang flavor. Tapos kakainin mo nang super init pa, hahaha. I'm sure mga estudyante magugustuhan to. Tamang tama pa namang e-parkner to sa Milk Tea, or kaya sa Soda. Pero syempre the best pa rin ang Palamig. Pwede nyo din tong e-add sa menu nyo.

IMG_20240625_131925.jpg

Tapos presyong pang masa lang, like kahit sino makakabili. Makaka gawa naman siguro tayo nang sandwich spread na di gaanong gagastos nang malaki. Kasyang kasya na yan diba? Dito, di mo na kailangan pa nang pwesto, kahit sa bahay niyo lang. Tapos gawa kang tarpaulin about sa Flying Saucer Sandwich, or baka nga sulat nalang sa papel tapos ipaskil mo sa dingding nang bahay mo sa labas keri na yan ay. Saka kuryente naman ang gagamitin natin dito, so di na kailangan bumili pa ng gas. Nag search nga ako nang flying saucer pan sa shopee. At sa halagang isa o dalawang libo, makaka bili ka na niyan.

Sabay yong natitira, ilalaan na sa mga kakailanganin na Ingredients. Sympre isama na rin yong mga pang balot. Paper bag, mas maganda kapag yan ang gagamitin na lagayan. Sa palaman naman, bumili na nang isang kilong Mayonnaise. Tapos hatiin sa kung ilang flavor ang kakailanganin. Syempre subok lang muna. Huwag agad maramihan ang bibilihin lalo at etatry muna ang tubig sa balon, lol. Sa mga buns naman na gagamitin, dapat hanap na nang bakery na nagtitinda ng mura pero malalaking buns. Meron niyan dito samin kaya talaga naiisip kong e-push. Kaso, hahaha, ewan. Nahihiya ako magtinda. Baka dumugin ng tao ay, charot, lol.

Sa tingin? OKS kaya to?

Yon lang, bye bye!



Sort:  

Goods na ang 5k for such business ah. Mas mataas ang success rate pag sa madaming tao ibebenta ganern

Chrueee, or para mas maraming makaalam, e share din sa fb diba.

Gusto ko to! Ang sa amin madalas ang laman ng flying saucer ay menudo o giniling. Pwede ding asado ( yung nasa siopao) 35 PHP din yun perfect sa mami.

Oks oks na to lalo na at maraming tao. Kung marami lang tao sa amin baka isa to sa mga na consider kong negosyo din.

Keep up the good work. 👏

Recognized by Mystic artist Gudasol

You are loved.

Interested to to help music map cXc.world spread more good vibes on Hive?.

Sarap naman nyan. At magandang idea yan.
Naalala ko nung nasa Cebu pa ako. Sa SM yung outlet namin. Meron dun nagtitinda ng pandesal na pwede kang pumili ng palaman... mg pinoy favorites. Merong corned beef, meron din yata silang tuna, at ang pinakapaborito ko sa lahat... PORK ADOBO!
Yup, dun lang ako nakakain ng pork adobo sandwich

Like be creative nalang sa mga ipapalaman diba po. Bet ko yang adobo flavor.