Kwentong Byaheng Dagat: Magbaon ng Maraming Pagkain Para Di Magastusan ng Malaki

in #hive-1994935 months ago

IMG_20240621_162424.jpg

Masarap mag byahe ng maraming baon na kwarta, para di ko na iisipin pa na mag tipid, kung sakali, charot! Lol. So usapang pagtitipid tayo today. Lalo na dun sa mahabang byahe tapos sapat na sapat lang ang money sa bulsa. Kapag pa naman tawid dagat ang layo ng pupuntahan mo, dapat ready kana sa price ng ticket palang para makasakay ng barko. Nakita ko kasi, ang taas na din ng pasahi sa barko, syempre lahat nag taasan na, papahuli ba naman yong mga sasakyang pandagat, lalo na siguro kapag need mo sumakay sa eroplano, mas pricey ata yan.

So syempre, hindi naman natin kapit bahay ang terminal ng barko o kaya ang eroplano kaya need ding gagastos para makarating doon. Kung dito sa amin, mula Bansud hanggang Calapan Pier mapapagatos kana agad ng 200 PHP. Kapag super aga ka, halimbawa mga 4 am nakasakay kana sa van, makakarating ka dun nga mga isang oras, lalo wala pang traffic yan. So di ka naman tatagal sa byahe papunta sa pier so kahit di kana magbaon ng food. But, if malayo ka at aabutin ng ilang oras ang byahe, mas maigi ng mag prepare ka ng pagkain sa bahay palang. Kapag tingin natin aabutin tayo ng tanghali o hapon, mas maganda din na mag baon ng kanin at ulam.

Make sure lang talaga na palamigin muna ang ibabaon para hindi mapanis kapag dating doon, alam nyo na, lalo if super init, aguy ah. Bukod sa kanin at ulam, dapat ready na din ang tubig at biscuit. Sa grocery store nalang bumili kasi mas laking tipid kapag doon. Kapag sa barko kapa bibili naku, doble na yan. Sakto lang sana ang pera kaso dahil mahal ang foods, mababawasan pa. At baka nga piliin nalang na di kumain hanggang malipasan na ng gutom. Ay lalo ng mapapagastos kapag ganire, sakit naman ang aabutin. Ay diga? Syempre kasama pa rin to sa pagtitipid sa byahe, haha. Connected pa rin yan sila.

Naalala ko lang nong nagbyahe ako mag isa papunta sa batangas, may naglalako kasi ng foods dun eh, dadaan yan kada row ng upuan, may mga sandwich pa na bagong gawa, then junk foods at saka biscuit. Ang daming pag pipilian naman, gustong gusto kong bumili ng sandwich nong time na yoon, kaso mo napa atras ako at ang mahal, lol. Ay wala pa naman akong sariling pera non, tapos sakto lang talaga pera ko para sa ticket. Tapos yong iba allowance ko na para sa pag aapply ko sana ng work doon, lol. So bawal akong gumatos ng todo, lol. Kaya di nalang ako bumili nong nakita ko yong nasa unahan ko na bumili na anong mahal.

Di ako na inform ng ate ko na ang mahal pala ng bilihin sa barko, hahaha. Di pa kasi ako natubuan ng common sense nong time na yun, kaya diko naisip na mas mahal pala dun, lol. Anyway, yon na nga, para maka tipid talaga, ihanda at baunin na lahat ng kakailanganin mo sa byahe, o kahit nga hindi kailangan, e-ready mo nalang din para lang sure diba, lalo kapag nagka aberya sa sasakyan, at least diba, handa tayo? Alam nyo naman, minsan, may mga sumasakay na may balat sa puwet kaya ayon, minamalas - charot lang to, hahahaha.

Yon lang, bye bye!



IMG_20240621_175619.png

Sali kana din sa Prompt ng Tagalog Trail!.

Sort:  

Truth po, sobra ng mahal ng mga bilihin sa barko kaya nagbabaon din ako ng tubig at cup noodles lalo na pag pauwi ng probinsya 😄.

Haha, ay isa pa pala yang cup noodle na ang mahal doon, grabi ay. Kaya better to bring our own nalang talaga diba

Hahaha kaya nga po halos x2 or x3 Ang presyo sa barko 😆

Magluto ng Ham. Hanging bukas pwede pang kainin.😅

Haha, ay true din yan, mga fried food tatagal talaga yan kapag sa mahabang byahian haha

2 itlog 2 hotdog sangakatutak na kanin puwede na ako 😁

Hahaha, mas tipid din yan, kamura nalang ng egg, uwu