Mas Maraming Awesome na Benefits ang Work From Home, Kaya Pabor na Pabor Ako Diyan!

in #hive-1994936 months ago

IMG_20240530_122941.jpg

Naalala ko lang nong pinapa apply ako ng mommy sa Munisipyo dito sa amin. Sinagot ko siya na ayoko mag work doon, dagdag ko pa, gagawin lang nila akong errand girl dun. Eh ayaw ko ng pinag lalakad ako kung saan saan, lol. Di naman siguro masama maging choosy diga? Lol. Pero ang totoo, isa lang yan sa rason kung bakit ayaw ko mag work sa munisipyo. At ang pinakang rason talaga bakit ayaw ko dun is dahil, ang Munisipyo ang pinakamaraming tao sa earth, at allergy ako sa tao. Lol. Diyan maraming pumupunta na tao, at even though hindi naman ako ang haharap sa kanila, still, marami pa ring tao, at ayaw ko ng matao, lol.

IMG_20240530_121530.jpg

Gusto ko talaga is, yong ipapasa nalang sakin via email ang tatrabahuin ko, tapos sa bahay ang setup ng working place ko. Katulad nga ng tinatawag nilang "Work From Home." Pabor na pabor ako diyan, kasi bakit hindi diba? Bukod sa makakapag trabaho ako sa desired na working place ko, di na ako magagastusan pa sa labas at masusuot ko ang gusto kong damit na never ko magagawa habang nagtatrabaho sa work place ko. Syempre, professional tayo, so dapat formal ang outfit. Samantalang kapag sa bahay lang, basta di required and face to face meeting via zoom, masusuot ko kahit pa mag duster ako diyan or mag burles. Diba napaka convenient nya? Lol.

IMG20240530122412.jpg

At ito pa, kahit saan sa bahay ka pumwesto, pwedeng pwede. Kung gusto mo sa kwarto na madilim at mas tahimik then go, if gusto sa labas habang lumalanghap nang sariwang hangin, ay mas lalong pwede. Pwede din sa higaan, kapag pagod kanang umupo lang, lol. Mas maganda nga kapag may rooftop ang bahay at mas lalong magandang pwestuhan yan. Mas malakas ang hangin mas malakas din ang sagap sa wifi, ay sya, saan kapa diga? Lol.

IMG_20240530_123815.jpg

At dahil kasama ko pa ang mga Oldies sa bahay, makakakain pa ako ng lutong bahay na ulam. Aba, ay diga't mas masaya kapag ganiyan? Basta ba di lang kakalimutan ang ambag sa bahay, at mas maginhawa ang life kapag work from home ako, lol. Ganitong klaseng setup talaga ang gusto ko ee. Although mas maganda din mag work sa big companies kasi nga diba may aircon, unlike sa bahay na e-fan lang, pero sapat sapat na sapat naman na ito. Mas malaki pa rin ang matitipid at mas peaceful pa rin kapag sa bahay, malalayo pati tayo sa mga Marites kapag nasa bahay lang. Lol.

Ikaw? Anong gusto mo? Work from home or dun talaga sa working place na mas mahal at tiring? Iyan yan ang pipiliin mo? Sinong rason bakit yaan at hindi ang work from home? Charrrr, pinangungunahan? Lol. Pero kidding aside? If sasagot kayo, go na. Pabor kaba sa wfh or nah?

Yun lang, bye bye!

20240501_143949_0000-removebg-preview.png

Sort:  

Mas gusto ko work sa site talaga pag nasa bahay kasi ang mga chikitings aligid ng aligid, gusto din pumindot ng computer. hehehe

Yon lang, saka naghahanap pa yan sila ng alaga mo, mahirao din kapag napapakigiran ng makukulit ng chikiting eheh.

Me too sis I love to have a work from home too kasi nga like me na mother na, makakasama ko pa anak ko hehehe.

Right, right, there's really a lot of advantage talaga pag work from home no? And mas masaya coz you get to spend your day pa rin with your fam and your kid can still feel your presence inside the house uwu

Pwede din sa higaan, kapag pagod kanang umupo lang

Mahirap magtrabaho sa higaan haahah yung antok nako! Been there and done this lol.

Yoko din sa munisipyo, daming tao tsaka may connotation na pag sa munisipyo nagwowork masusungit hahah.

Hahahahaha, yong work sa kama, kaso nakatulog HAHAHAHA. WALA TULOy natapos na work lol

Hahaha oo nga bakit kasi masusungit worker jan, lol. Though di naman nilalahat, lol

Sa totoo lang, mag 2 years nakong naka wfh at ang laki ng nasisave hehe

Oi, layo nang narating mo ah, hahaha. From May pa to, lololol. Pero mas masaya talaga wfh ano? Di kapa mapapagastos. Uwu

Para sa akin, depende. Gusto ko sa work from home same reason. Pero minsan kasi toxic ang environment ko dito kaya hindi din ako makakapag work ng maayos at ang ending din naman siguro sakin, mag-hahanap ng place na tahimik kaya hindi rin ako makakatipid.

Mas maganda din sakin yung work sa labas. Gusto ko mag-explore at matuto ng totoong trabaho. Nakakapagod din kasi kapag puro upo upo nalang sa upuan. Di magagalaw ang body at mas maganda din talaga magwork sa personal para matuto ka talaga sa mga gawain.

Mas maganda din sakin yung work sa labas.

Ay oo, saka kapag ganito kasi makakapag explore ka and makakakilala ka din nang new people, malay natin matuto pa tayo dun sa new people na yorn.

Tagal na nito, now lang naka reply, lolol