Wala akong sahod, pero may plano ako! Ehhhh?

in #hive-1994937 months ago

Wala akong trabaho, kaya di ako nakakatanggap ng sweldo o sahod pero... pinapasahod ko si self galing kay Hive so counted pa rin yan no? Even if hindi, akong masusunod, kaya pwede yon! Charrr, lol.

(Patawa tawa lang yan mga bhie pero last money na nya yan. Note: last picture with my last isang daan, lol.)

Sa totoo lang gusto ko ding maranasan na pasahudan, naranasan ko naman to nong nag part time ako kasama sina mama at si bunso, magbabalot ng Yema. High school ako noon, wala na yong bakery namin nong mga panahon na yon. Tapos may gusto akong bilhin that time kaya nag sabi ako sa mama na sasama ako sa kanila mag balot. Nakalimutan ko na magkano arawan, pero singkwenta ata yon. Kay mama ang malaki kasi bukod sa nagbabalot sya, isa rin sya sa nagtitimpla at nagluluto. Mahirap din yon ha. Pero masaya kasi kasama ko sila, lol. Paligsahan pa kami ni bading mag balot, lol.

Nalala ko non, nong pagkakuha ng sweldo at papasok sa paaralan kinabukasan, bili agad ng masarap, kasi bakit hindi diba. Nanlagkit and kamay ko sa pagbabalot nong yema, so deserve ko nang masarap, lolol. Bata pa ko non, pero alam ko na yong deserve deserve na yan. Pero ang totoo, one day millionaire lang talaga ako, bukod pala sa masarap na pagkain, ginamit ko din yon na pang renta ng pocket book, hanggang sa doon nalang talaga naubos, adik sa pocketbook much? Lol. Pero oo, adik talaga ako non sa pocketbook, ee sa masayang magbasa eh, masarap din kiligin sa love story nang iba.

IMG20240515141146.jpg

Siguro kung tinuloy-tuloy ko yong pag pasok sa Robinson Lipa as Promodizer or if nagtyaga ako na tumayo maghapon sa pagbabantay ng mga bags at coin purse sa department store malamang may sahod sana ako. Kaso bukod sa ang lamig sa Robinson dahil madalang ang tao, natatakot din akong tumawid sa kalsada dahil sa naglalakihan na sasakyan papasok at pauwi nang bahay. Ang talaw ko talaga ano? Ang babaw na dahilan sa totoo lang, lol.

IMG_20240515_154400.jpg

Pero mabalik tayo sa sahod, lol. Actually hinahanda ko na ang pang sahod ko kay self. Dahil sa ika-28 nitong Mayo, may follow up check up ulit ako. So gastos na nemen, para sa kalusugan at para nga mamonitor tong ilong ko. Ilang libo na naman ang ihahanda ko dyan, pero syempre di lang pang check up lahat yan dahil kasama na ang pamasahe, pang kain at pang lakwatsa, ehermmmm, do yan pwedeng mawala, deserve ko yan! Haha. Syempre kasama ko ang mama kaya dapat meron din sya. Limang daan o tatlong daan na budget para sa kanya, sapat na yan, masaya na sya. No choice naman kasi kakaunti ang sahod, lolol.

IMG20240515135116.jpg

Bukod dyan baka isabay ko na rin ang pag grocery, di ko naman balak i-uwi ang buong grocery store, sabon na pang ligo, pang buhok at pang laba lang, yan lang talaga ang kailangan namin, basic no? Sana basic lang din price nila no, like may tag dos paba? Buti nga ang Mommy D bumibili ng sarili nyang sabon, samin ni Mommy F safeguard lang sapat na, sya kasi ibang sabon ang gamit. Naol naka Goree, when kaya makakaranas ng Dove Soap naman, para maranasan ko ring mag aksaya ng water at mahirapang mag banlaw ng katawan dahil masyado siyang mabula, huhu.

Gustuhin ko mang bumili ng maramihan ay hindi pupwede dahil kailangan ko ring mag laan ng budget sa allowance ko, (para sa snacks, alam nyo na, matakaw ako ee, hihi) pang bili ng ulam sa bahay o nang kung ano paman na kakailanganin. Syempre po ambag ambag din sa bahay para sa family, para naman di maging bugnutin ang inay, haha. Ang advantage talaga kapag ikaw ang bumili ng ulam para sa whole family, hindi ka mahihiyang kumuha ng mas naraming ulam at magpakasiba sa pag lamon, kasi syempre tayo gumastos eh, lol.

IMG20240515134943.jpg

Ahhhhyyh, muntik ko na ma forget, need ko din pala mag ambag para sa kuryente. Bakit ang daming gastusin kasiiiiii ( ꈍᴗꈍ).

So yon lang, kayo? Kamusta sahod? Anong plano? May matitira pa daw baga? Lol.

IMG_20240515_180845.jpg

Read more here!

20240501_143949_0000-removebg-preview.png

Sort:  

Eto kagandahan ng internet age. Kung may pisikal na limitasyon sa pagtratrabaho, may iba din namang paraan para kumita via internet. Pwedeng wala kang trabaho kaya wala sahod, pero kumikita pa din. Maliit man o malaki.

Kung ikaw ay kumikita at nageenjoy ka naman, yun ang maganda! Dahil minsan ang iba, nagpapaalipin na sa pera kaya di rin masaya, medyo mahirap din yun. :)

Tunay yan, maliit o malaki pero salamat dyan kasi may nagagamit kamio kapag nangailangan. Laking tulong din talaga ng internet ay ano, salamat dyan marami tayong nadidiscover na bago na maaaring maka tulong satin (ノ゚0゚)ノ→. Bukod dun nag eenjoy pa lalo at marami ring namimeet online na new kakilala, mas masaya talaga (人 •͈ᴗ•͈)

Haha ako katatanggap ko lng last sahod ko kahapon,di ko alam when ulit 🤣

Haha im sure may paglalaanan na yan ano haha

ubos na nga

Ako din walang sahod pero madaming need bayaran, panu na tayo nito hahahhahah Madami din ako plano pera na lang talaga ang kulang hahahahah

Hahahaha sana madaling makahanap nh kwarta ay ano, aigooo

Kpag ako nag grocery Jan sa pinas, 1K ay Hindi sapat.. madali mabutas bulsa Jan haha

HAAH kulang na kulang yan for sure!

Naku madam, iilang item nalang mabibili nyan, kulang na kulang na talaga 🤧

Bilang someone na walang sahod ang daming ganap ah!

Di ko bet yung palmolive na sabon nakita ko yan kanina sa grocery pero ekis, masyado mabango.

Bakit kaya ganun sa robinsons anu? Yung mga dating robinsons talagang mas madami pa ang stalls kesa sa tao hahah.

Ang laki nung pasahod 50 magbabalot lang sana all!

Sympre pasok na pasok yang entry mo haha.

Hahahahaha, dibaaa, hirap ng buhay, lahat nalang may pangangailabgan, lol

Kay mama yan, haha, tamo lahat nalang pink, lol

Oo nga, mad bet ng tao si SM ay. Pero siguro ngayonh tag init dami ng tambay dun now lol

Yownnnn ✨😜