Magandang Araw Hive!
Ano ba ang pinupunto ko at ang mensahe ko sa artikolo na ito maliban sa putangina ng mga dyipni drayber na gumagawa nito?
Ang Modernisasyon ng Pampublikong sasakyan, isa sa pinaka sabaw na napapansin ko sa taong bayan, ay ang pag kontra nito, marahil ito ay nakasagabal sa iyo patungo sa iyong trabaho, sagabal dahil walang masakyan patungo sa kung saan man, marahil ikaw ay nadala ng iyong damdamin dahil sa drama na pinakita sa iyo ng mga nababalita sa telebisyon. Kung ako ang tatanongin, hindi tayo dapat nag papadala sa bugso ng damdamin lalo na sa aspeto na ito. Dahil hindi tayo dapat pumapayag na merong "Dobleng Huwaran" na mentalidad. Kung gusto natin ng pag babago, kaukulang sakripisyo ang kailangan.
- Mali ang pag aaklas ng mga tangang dyipni drayber at nag titigil pasada, dahil nag pag papahirap sa mga mamamayang pilipino na nag tatrabaho at sila ay nakakasagabal lang lalo, at nakaka dagdag sa problema.
- Ang mga lumang dyipni ay mala 'Frankenstein' dahil ito ay 'substandard' o mababang klase, na nag reresulta at nakadadagdag sa polusyon.
- Kung gugustuhin natin umangat ang kabuhayan ng pilipino, sa kaunti sakripisyo at pag titiis sa modernisasyon ng mga dyipni makakamit natin ang maayos na pamumuhay sa pag tagal.
- Dapat nang ibasura ang mga lumang sasakyan, dapat tanggalin na sa mentalidad ng taong bayan ang pagkupkop at pagkipkip ng mga lumang bagay.
- Kalimitan sa mga Dyipni drayber na ito ay walang lisensya at malimit na resulta ng sakuna sa mga aksidente, tandaan na ang lisensya ay prebilehiyo ng mga drayber na may alam sa batas trapiko.
- Para mas lalong lumawak ang iyong kaisipan, kalimitan sa mga operator o yung mga may ari ng dyipni ay yung mga ulo na nag papatakbo sa LTFRB, nalaman ko ito dahil may mga kaibigan ako na sila ang may ari ng dyipni at taxi bilang kanilang negosyo. kaya ganyan nalamang at kinokontra lagi ang pag babago dahil gagastos pa sila at tapon na ang gumaganang negosyo nila habang sambayanang pilipino ang nihihirapan.
- Ngayon palang nakaka ramdam na tayo ng pag babago sa pamumuhay natin, sa presyo ng bilihin ng gasolina at iba pa, pero tuloy pa din ang buhay diba? kaya maaring mapalitan man ang dyipni ng bago, mahihirapan man sila katulad ng binabanggit nila sa telebisyon, paniguradong makakaraos din ang lahat.
- Wala akong balak gamitin ang #NoToJeepneyPhaseOut dahil gusto ko ng pagbabago sa bayan ko, kung hindi ka papayag na magbago ang pag tanggal sa lumang sasakyan ibig sabihin lang noon ay pumapayag ka na maging mahirap at ayaw mo ng pagbabago at kaunlaran sa sarili mong bayan.