Byahe Pa Maynila Tayo Sa Weekend

in #hive-1994936 months ago

Araw ng Biyernes, nag file ako ng leave sa trabaho dahil narin sa kami ay luluwas sa Maynila ngayong araw. Sabado ng umaga ang unang iskedyul ni Dyn-dyn sa kaniyang developmental pediatrician para sa kaniyang check-up at assessment.

viber_image_2024-05-18_03-35-39-920.jpg

Maari naman kami umalis nang San Pablo sa araw ng Sabado, ngunit kailangan naming umalis ng bandang alas kwatro nang madaling araw para masiguro na hindi kami mahuhuli. Ang byahe ng bus at ibang pampublikong sasakyan ay madalang sa aming lugar kaya't minabuti nalang namin na magpalipas nang gabi dito sa Taguig.

Magastos at mainit sa Maynila ang Grab patungo sa aming pagtutuluyan ay umabot ng halagang 300 PHP. Mas mahal pa sa naging pamasahe namin sa bus, bagkus malapit lamang naman ang lugar. Siguro nga'y kung may mga PUV na maaaring sakyan ay amin nang nagawa para naman makatipid-tipid kahit papaano.

viber_image_2024-05-18_03-32-23-494.jpg

Mahina ang internet sa lugar, nagkaroon daw ng technical problem ang cable provider gawa nang masamang panahon. Medyo naiintindihan naman dahil sa lakas nang ulan na bumagsak sa ibat-ibang lugar. Kung siguro kami ay nasa bahay ay masayang-masaya ako dahil sa wakas ay umulan na ngunit sa pagkakataong ito ay hindi. Wala kami sa bahay, di rin namin nadala ang aming payong at kahit anong pang protekta sa ulan. In short di kami handa.

Maganda naman ang tinutuluyan namin ngayon, inspired ata ng Santorini sa Gresya dahil sa puti at asul na kulay nang kanilang dingding. Ang tanging naging problema lang talaga ay ang internet dahil narin sa hindi namin nagagamit ang ibang kagamitan dito sa bahay.

Sayang ang TV na maari sana naming gamiting pang Netflix and Chill habang nagbabantay kay Dyn-dyn. Malamig ang aircon at mas nanaisin mo nalang na tumigil sa kwarto. Napaisip nga ako na maari rin pala na ganito kalaki ang lugar ngunit halos kumpleto na ang gamit at parang maluwag parin.

Pagod parin sa maghapong byahe dahil pagkatapos ng check-up makikipagkita naman kami kay @romeskie dahil narin malapit sya sayang naman ang pagkakataon na makapag chikahan bago kami umuwi sa probinsya.

Ayun lang pasensya na at busy ngayong araw. Mahina din ang net ko kaya ngayon lang nakapagbukas.

P.S. Biruin mo yun nagingASEAN Hiver Of The Week 👨‍💻 @tpkidkai 📈 Bronze To Silver & More 👨‍👩‍👧 ang beshy nyo nang walang kamalay-malay. Salamat sa pag subaybay at pagbabasa nitong mga random ramblings ko para magka upvote hahah.

Sort:  

Wrong timing naman pala si ulan ay ano, bakit baga kung kelan na di ready saka dadali ng ulan. Pero maigi pa rin at nakadating kayo dyan na ligtas. Enjoy the aircon habang anjan pa, ay teka may aircon din ata sa inyo ano? Hahaha sana all uwu. At congrats na rin, pa burger naman abah 😜

Sa trueee nako ito na ngaaa paluwas na kami at apaka inet ulit.

Yes aircon all the way tayo mga ante good luck sa bill ng meralco

May NFT na burger na ba o token? Kung wala !PIZZA nalang muna hahah

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@arlenec2021(1/5) tipped @tpkidkai
tpkidkai tipped ruffatotmeee

Convenient sumakay sa Grab, magastos nga lang. Reminds me of my brother-in-law traveling from Bulacan to Cavite twice a month. May kapatid rin ako na nakatira sa San Pablo. May pwesto sila sa Mall. I forgot the name of the subdivision.

Kumusta naman ang check up?

Convenient sumakay sa Grab,

Totoo! Nako napaka mahal hays.

May kapatid rin ako na nakatira sa San Pablo.

sabihan mo nadin na mag-Hive sila para naman di lang ako ang Hiver dito sa San Pablo.

Hehehe . . . Nasabihan ko na rin yata sila. Iremind ko uli, 😄

!LOLZ

!PIZZA

If needed ng help such as explaining Hive tap mo ako, we have onboarding webinars sa HivePH para maturuan sya sa process.

Salamat. Isa yan sa struggles ko. May mga kausap ako na madali lang nakagawa ng account dito sa Hive, at least two cases. Meron naman, hirap due to technical reason. Yong isa nga nagduda pa na baka scam daw si Hive kasi hindi makapasok. 😄 There are other two cases na mahirap din pero tinulungan ako ni @gadrian to create an account. So far, nasa 10 na rin yata ang naipasok ko dito sa Hive pero 1 lang ang active.

HAHAH if needed na i discuss ang Hive, pwede mo ako i-tap or you can watch our webinars sa Facebook.

Ito yung link : https://www.facebook.com/HivePHOfficial/videos/618841922626582

This is an old video pero okay nadin na reference.

Also you can use this Youtube video:

Salamat dito.

Is it online or face-to-face? Pwede rin ba sa group yan? Naghihintay lang ako ng tiyempo. Baka kailanganin one time sa school namin.

We have online. Face-to-face medyo malabo since HivePH folks are scattered across the PH.

Wala palang sked for an online Hive onboarding webinar pero we can set up nman if you want to.

Ok salamat @tpkidkai. 😊

Kumusta naman ang check up?

We are still processing kung result, nasa stage si baby ng global development delay, pero di parin ni ru rule out yung autism since di naman kami nalabas ng bahay.

The plan for the next months ay i-enroll ng therapies atbp for improvement next follow-up namin ay December na.