Usapang Pro at Anti-Divorce| Saan Ako Pumanig?

in #hive-1994937 months ago

Maugong ang naging usap-usapan patungkol sa divorce law na pinasinayahan ng ating kongreso at ngayon ay nasa senado na. Mayroong mga tutol at maryoon din namang pabor para dito.

Ayon sa mga datos, dalawang bansa nalang sa buong mundo ang wala pang divorce. Ito ay ang Vatican at ang pangalawa naman ay ang Pilipinas.

Sa panig ng simbahan, mariin ang kanilang pagtutol sa pagppapasa ng batas na ito dahil narin sa negatibong implikasyon na maari nitong maidulot sa pamilya. Ngunit hanggang saan at hanggang kailan?

Bilang isang taong kinasal na at masaya sa buhay na mag-asawa, hindi ko kailangan ang batas na ito. Ngunit hindi dahil sa hindi ko kailangan ay babaliwalain ko ang katotohanan sa iba na kailangan nila ang ganitong batas. Kaya't ako ay pumapabor sa House Bill 9349 o ang Absolute Divorce Law.

Masusi kong inintindi ang batas na nakapaloob dito, ang intensyon at ang mga posibleng parusa sa mga paglabag. Ayon dito ang batas ay halos pro-woman dahil mas madalas na ang biktima ng pang aabuso ay kababaihan at para narin sila ay makalaya sa gapos ng kasal na nagbubuklod sa kanila.

pexels-cottonbro-4098231.jpg
Larawan mula kay cottonbro studio

Ayon sa panukalang batas narito ang mga posibleng grounds kung mag pa file ka ng divorce kung ito ay maisabatas na.

  1. Physical Violence
  2. Corruption to the petioner / common child to prostitution
  3. Final judgement for imprisonment more than 6 years even if pardoned.
  4. Drug addiction/ Alcoholism
  5. Homosexuality
  6. Bigamy either PH or abroad/
  7. Infidelity
  8. Life endangerment
  9. Abandonment
  10. legaly sparated for two years.

Kahit kailan ay hindi maganda ang pananakit sa asawa. Mariin ang aking stand diyan, ito ay masasabi mong sinadya at inintensyon. Totoo naman na mayroong mga taong may anger issues pero hindi ito libreng pass para manakit. Tanda ko noon na sinabi sa akin ni tatay ( tatay ni April ) na huwag na huwag ko daw saktan si April at ibalik ko nalang daw sa kanya kung aabot kami sa punto na ganon. Nangako naman ako na hindi ko iyon gagawin at wala din akong balak ibalik siya never in this lifetime. Babae din ang anak ko, kaya't kung sakali man na umabot sa akin na ganun din ang ginagawa nang kaniyang asawa maghahalo ang balat sa tinalupan.( O filipino idiom yan).

Yung ibang grounds valid naman talaga siya para sa akin. Bilang isang Kristiyano naniniwala ako na kaya naman talagang magbago nang isang tao para sa ikakabuti niya kung mayroong pagsisisi na totoo ngunit hanggang kailan maghihintay ang naaabusong asawa?

Ikaw nga nila ang pagsisisi ay nasa huli.

Bago maging pinal naman ang divorce, binibigyan ang dalawang panig nang 60 na araw para pag-usapan, ayusin atbp ang kanilang relasyon na may patnubay sa ating gobyerno, dito ay gagamitan nang counseling atbp para mas maging malinaw sa mag-asawa ang mga bagay bagay. Ito ay ang last resort na para sa pamilya. Matatandaan natin na ang pamilya ang pinaka pangunahing unit sa isang komunidad at dahil din dito hangga't maari, proprotektahan nang estado ito.

Ang 60 day na cooling period ay hindi kasama, kung ang grounds nang divorce ay papasok sa VAWC o, Violence Against Women and their Children na batas na sumasangayon ako. Bakit pa kailangan ng cooling period kung may sakitan na?

Mahaba parin ang proseso nang divorce, may mga pag-uusap parin sa Family court kung aaprubahan ba nila o hindi. At kung sakali man na hindi pabor ang mga panig sa resulta ay maari silang mag file sa Court of Appeals upang i apela ang resolusyon.

Kung sakali man na magka-ayos ang dalawang panig ay pwede naman sila magsumite nang resolusyon ulit na ipawalang bisa ang pagkawalang bisa ng kanilang kasal. Di na nila ulit pa kailangan magpakasal para dito. Pero muli, maraming paperwork ang kailangan nilang ipasa at aaralin at iimbestigahan parin ito nang Family court dito sa atin.


Sa totoo lang, kung maipasa itong batas na ito, maganda naman ang intensyon at puso nito. Hindi niya sinasuggest na mag divorce agad-agad ngunit maghahanap parin nang mga alternatibong bagay upang mas maayos ang pagsasama. Last resort na diba? At saka layunin din nito na mas maparami pa ang family court at ang mga abugado na specialized sa ganitong uri nang mga bagay. Hindi tulad sa #RaffyTulfo na ilalantad mo ang kasiraan nang bawat isa at maaring pag pyestahan pa nang ibang tao.


Ayun lang maari mong basahin ang panukalang batas sa ibaba pdf file lang sya:

https://hrep-website.s3.ap-southeast-1.amazonaws.com/legisdocs/third_19/HBT9349.pdf

Sort:  

Ngunit hindi dahil sa hindi ko kailangan ay babaliwalain ko ang katotohanan sa iba na kailangan nila ang ganitong batas.

Ako kailangan ko ito, 14 years na akong hiwalay sa asawa ko eh, Inalok nya ako ng Annulment dati, hati daw kami kaso namamahalan ako. hahaha! Nang hihinayang ako sa pera, pero kung mahal din ang Diborsyo, malamang kahit ma approve ito hindi padin ako makapag file. 😆

14 years na akong hiwalay sa asawa ko eh, Inalok nya ako ng Annulment dati, hati daw kami kaso namamahalan ako.

Awts tagal na nyan lodens.

pero kung mahal din ang Diborsyo, malamang kahit ma approve ito hindi padin ako makapag file.

Plan nila na mas gawing affordable daw yung divorce, pero wala pang pa figures.