Isa sa mga pinapangarap ng mga kababaihan ay ang maikasal. Ang pagsusuot ng gown at paglalakad kasama ang kanilang mga magulang patungo sa kanilang mamahalin at makakasamang manunumpang magkasama sa pang habang buhay.
Naalala ko noong bata pa ako, lagi kong sinasabi sa'king sarili na gusto ko balang araw ang aking mamahalin ay siyang pang-una sa lahat. Kaya ilag talaga ako sa mga bagay na ginagawa ng mag-karelasyon. Masyado akong strikto pagdating sa mga naging karelasyon ko noong mga nag-aaral pa ako. Dahil ayokong masira ang isang pangakong ginawa ko at isa pa'y bata pa ako sa mga panahon na yon kaya hindi pa talaga ako handa sa mga ganong bagay.
Maiba tayo! Noong bata ako, natutuwa ako at namamamangha sa tuwing ako ay umaattend ng mga kasal ng aking mga Tiyuhin at Tiyahin sa kanilang mga minamahal. Madalas, ako ay isa sakanilang mga flower girls o kaya ay brides maid. Namamangha din ako sa tuwing nakikita ko kung gaano kaganda ang gown na suot ng mga Tiyahin ko at asawa ng mga tiyuhin ko.
Ang puting napakahabang bistida na abot hanggang sa sahig. May mga pakinang-kinang pang mga desinyo na mas lalong nagpapaganda pa sakanila sa mga napaka importanteng araw nilang iyon.
Tapos mayroon pang pasayawan at kainan ng mga handa pagkatapos ng kanilang kasal. Bukasan ng mga regalo pagkatapos ng kanilang kasal.
Mapapamangha ka nalamang sa mga rice cookers at mga iba pang appliances na mga regalo ng kanilang mga Ninong at Ninang na inimbetahan sa kanilang mga kasal.
Kaya dati ang pangarap ko na kasal ay katulad ng kasal nila. Gusto ko din mag suot ng gown. Gusto ko ding maranasang maglakad sa harap ng altar kasama ang aking mga magulang patungo sa lalaking aking minamahal. At ang theme song ay ang paborito kong kanta
Ito ay ang kanta ni Shane Filan na Beautiful in White. Hindi ko alam pero habang pinapakinggan ko ang kanta na ito, gustong-gusto ko talaga maikasal noon. Napakaganda naman kasi talaga ng Lyrics ng kanta.
Pero ngayon,
ANO NA NGA BA ANG AKING PINAPANGARAP NA KASAL?
Ang kasal para sakin ay isang napaka importanteng araw sa buong buhay ko. Sapagka't gaya ng mga ibang kababaihan, pangarap nila ang mai kasal sa mga taong mahal nila o mamahalin nila ng pang habang buhay at manunumpa sa harapan ng kanilang mga mahal sa buhay lalo na sa harap ng panginoon kung gaano nila aalagaan at mamahalin ang isa't-isa hanggang sa pagtanda.
Minsan ko lamang maranasan ang bagay na ito. Pero ayoko ng engranteng kasalan. Okay na ako sa simple lamang na kasal basta ang mahalaga ay andoon ang aking mga mahal sa buhay.
Civil man ang kasal namin ng taong mahal ko o hindi, ang mahalaga ay nag sa isang dibdib kami sa harap ng mga mahal namin sa buhay at maging sa panginoon. Okay na ako sa simpleng desenyo ng simbahan. Ngayong uso naman ang CANVA na pwedeng mag edit ng mga Invitation, pwede namang kami nalamang ang gagawa mas makakatipid pa. Hindi naman kailangang madami ang iibitahin ang mga magulang, kaibigan at mga taong mahalaha sa buhay namin ang siyang mahalaga.
Hindi naman kailangan engrante ang kasal kasi minsan, sa panahon ngayon ay uso na ang mga sumakabilang bahay na mauuwi sa hiwalayan. Hindi ba't nakakatakot? At nakakapanghinayang din ang mga ginastos na pera sa kasal kapag dumating din ang panahon na kayo ay magkakahiwalayan?
Hindi ba?
MAY BALAK PA NGA BA AKONG MAGPAKASAL NGAYON?
Sa totoo lang, isa din sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na mag pakasal at wala na sa aking plano ang magpakasal simula noong naghiwalay ang aking mga magulang at maging ang isa sa mga Tito at Tita ko ay nagkahiwalay din. Nawalan ako nang tiwala sa mga kalalakihan.
Ngunit, hindi nga naman lahat ng lalaki ay katulad ng aking ama at ng aking Tiyuhin hindi ba? Kaya naniniwala din ako na darating ang araw na may isang lalaki na mamahalin din ako at idadala sa simbahan. Pero matagal pa iyon. Dahil mahirap din ang buhay, mahirap ding magpakasal sa panahon ngayon dahil mahal ang diapers, gatas, at mga bilihin. Isa pa, bata pa naman ako at may mga bagay pa akong importanteng ayusin sa buhay ko bago ko iisipin iyan.
TANDAAN:
DAHIL ang pagpapakasal ay napaka halagang bagay na kailangan pag planuhan ng maigi. Hindi ito isang laro sa dalawang tao.
Mas maigi na magpakasal kapag handa na ang lahat, may perang ipon at maayos na trabaho. Hindi maganda ang pagpapakasal na hindi napagplanuhan ng maayos. Hindi ganon kadali pumasok sa isang sitwasyon na hindi kapa handa sa lahat. Kaya nga, may mga magpartner na naghihiwalayan, nahihirapan sa pamumuhay, sa bandang huli may mga pangangaliwang nangyayari.
At ito ang aking sagot sa katanungan o paksa ja aking napili:
Simple o Enggrande?
Kung ikaw ay ikakasal sa taong mahal mo at mahal ka ano ang mas nais mo? Isang simpleng kasalan or isang bonggang selebrasyon na mayroong mga artista at mga pulitiko gaya sa kasal nila Alodia Gosiengfiao? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.
Mula sa kumunidad na @tagalogtrail. Sana ay nasiyahan kayong basahin ang blog na ito. Ikaw, anong maisasagot mo sa katungang ito?
INILATHALA Ni: @xanreo | HIVE
PETSA: Ika-27 ng Pebrero 2023