Malapit na ang Fiesta dito sa'min. Nakakatuwa lang dahil pwede na din ang fyestahan sa mga iba't-ibang barangay. Hindi katulad dati na boring ang mga barangay at mga kilalang lugar lang ng PANGASINAN ang may Fiestahan. Eksayted na ako sa mga gagawin na Aktibidad sa paparating na 23-25 ng Mayo. Pero hindi ko alam kung masaya ba talaga at katulad din ng mga fiestahan sa ibang barangay noong nakaraang buwan na malapit dito samin dahil sa pagkakaalam ko, madaming KJ dito sa Barangay namin at aminado akong isa na do'n.
Noong nakaraang buwan (Abril) ay hindi ko gaano natutukan ang mga paliga dito samin dahil busy ako sa pag susulat ng mga blog at raket para makaattemd sa meet-up ng HivePH. Pero, pagkatapos naman ng HivePH meet ay nakaabot pa naman akong manuod ng Finals ng Volleyball ng mga Kababaiban dito samin isa na din kasi sa mga players ang aking mga Tita dahil ang liga ay pwede sa lahat ng edad. Nakakalungkot lang dahil hindi sila nagchampion pero umabot naman ang Team nila sa semi-Finals.
Ngayon, pagkatapos ng Meet-Up ng Hiveph ay tumambay muna ako sa Urdaneta ng ilang araw o umabot ba yon ng linggo? Hindi ko matandaan. Kaya naman madami akong mga hindi napanuod na ganap sa Liga. Hindi ako lumabas ng bahay namin pagkauwi ko dito sa'min. Nalaman ko nalang din na Finals na pala ng palaro ng Sangguniang Kabataan (SK) Dito samin ng Basketball.
Kaya kahapon (Byarnes) napagpasyahan ko na manuod kasama ang aking Tita at mga Pinsan. Apat na teams ang maglalaro. Kaya dalawang games ang mapapanuod ko. Kaya naman excited din ako kahit paano na manuod dahil ang maglalaban ay ang mha kilala ko na magagaling maglaro ng basketball. Kasi nanuod din ako ng Liga noong nakaraang taon.
Sa unang laro na napanood ko ay hindi ako gaano naexcite dahil puro nalang pabida yung napapanuod ko. Yung sinasadya ba na madapa, masiko, o ano para lang makalamang. Hindi ko gusto yung panunuod sa ganong laro kaya naman hindi ako nagfocus masyado sa panonood at nagchachat nalang ako sa social media ko.
Habang dito naman sa pangalawang laro ng ibang Team ay dito na ako naexcite na manood. Hindi dahil andyan ang Crush ko o ano. Wag kayong ano jan wala akong type sakanila. Wala ako sisigawan ng "Go my labs!" Kasi nasa ano yung gusto ko. Kaya lang naman ako naeexcite dahil ang team Strikers (color Teal blue) at East Ballers (color blue and yellow) ay ayan ang mga magagaling na manlalaro ng basketball. Ang team Strikers ay nag-champion noong Nakaraang taon sa basketball na dating team ng isang player sa East ballers at kaya naman ay inaabangan ko talaga na mapanood ang laro dahil curious ako if matatalo ba nila ang bagonv Team ng dati nilang Captain.
Isa pa na rason ay ang Team Strikers ay galing sa Purok na kung saan dati akong nakatira. Mga kakilala ko ang mga players: Pinsan ko, mga Kababata ko, Tropa ko noong Senior High School, at ang iba ay acquaintance.
Napaka-saya naman na manood dahil madaming mga taga-supporta ang parehas na Team. Hiyawan dito, Hiyawan doon.
Na halos pati nga mga bata ay nagbabardagulan na. HAHAHA matawa-tawa nalang ako dahil kada shoot ng bola ah nirarampa nila ang mga Flag ng mga Team na sinusupportahan nila.
At ang nakakagulat pa ay mga binabato nilang salita ay personalan na.
Pero ang mas naenjoy ko talaga kahapon ay kumain ng mga streetfood na pagkain.
Madami naman mga pogi kapag ganito na event. Pero hindi ko binibigyan ng pansin dahil mas tutok ako sa panunuod habang kumakain ng fries na tinipid sa cheese powder at palamig na kulang sa asukal.
Natapos ang laro ng wala akong naintindihan at puro lamon lang. Sabi ng Tita ko ay meron pa daw bukas (Ngayon) na second game kaya naman ay ngayong weekend, naisipan kong manood ulit at natupad naman ang plano ko na manood ngayon ng Championship ng Liga. Finals na talaga.
Late na kami nakarating ng pinsan ko at hindi namin naabutan ang pangunang team na naglaro. Pero buti nalang at sakto sa inaabangan kong Team talaga.
Grabe din ang hiyawan. Mas lalong pinainit din ang laban dahil sa Score. Busy padin ang mga bata sa paghihiyawan at bardagulan.
Paanong hindi? Pahirapan din kasi talaga ang laro dahil parehas na mga magagaling.
Pero eto talaga ako kanina. Puro lang lamon ng pagkain. Okay naman yung Burger. Kaso ang laki ng hiwa ng Cheese. Jusko may sama ata ng loob yung tindera sakin. Tita kasi ng EX ko nung hayskul.
So ayon na nga, yung plano ko na manood ng Liga ay nauwi lang sa Paglamon ng pagkain. Tapos na yung laro ng hindi ko namamalayan. Nanalo ang East Ballers. Sabi na (kahit wala ako sinabi) magaling kasi mag shoot ng 3 pts. Walang palya yung datimg Team Capt. Ng Strikers. Sayang lang dahil hindi na by Team na kanya-kanyang hugot ng Players. By Purok kasi ang labanan ngayon.
Bukas ay lalabas naman ako at I-memeet ko ang aking hayskul friend. Wala lang, Tsismis daw kame. Yung ako na lumalayo sa Tsismis na yan pero kusa naman silang lumalapit sakin. 😄