Tradisyonal na Paraan ng Engagement

in #hive-1994934 months ago
Magandang araw sa inyong lahat. Sana nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa ng aking blog ngayon. Ako na naman ay naririto upang magbahagi ng aking saloobin ukol sa #tagalogtrail prompt ngayong ikalawang linggo ng Hulyo. Pangalawang beses pa lamang akong sumali sa prompt na ito. Gusto ko ang naisipan ni @tpkidkai na paksa. Ang paksang nagustuhan ko ay ang ***“Kung ikakasal ka. Okay lang ba na wala nang engagement at kasalan na agad?’*** kahit na kahapon dapat ito, gusto ko paring mag-kwento.

Bago ko sagutin ang tanong, gusto ko munang ikwento ang mga pangyayari bago kami nagpakasal ng asawa ko.

20240530_173645.jpg
Tatlong taon kaming magkarelasyon ng asawa ko bago namin maisipang magpakasal. Hindi pala, ako iyong nag-isip na magpakasal.

Bakit?
Habang nag-aaral ako sa kolehiyo, may asignatura akong ayaw na ayaw kong pakinggan. Hindi ko kasi gusto ang mga paksa. Parang compliance lang sa akin kasi parte ng curriculum. Pero sa dinadami ng paksang napag-usapan ng asignaturang iyon, isang paksa lang ang tumatak sa aking isipan at dala-dala ko kahit tapos na ako sa pag-aaral. Ang paksa iyon ay ukol sa tamang edad ng pagpapakasal. Kapag ang edad mo ay dalawangput-lima at pataas ay hindi na kailangan ng parents’ consent kung gusto ng magpakasal ang magkarelasyon.

Kaya sinabi ko sa sarili ko na magpapakasal ako sa edad na dalawangput-lima kasi ayaw kung dumamay ng magulang ukol sa aking pag-ibig.

Ang nakakatawa ay isa akong miyembro ng NBSB, “No Boyfriend Since Birth” habang ako ay nag-aaral hanggang nakatapos sa kolehiyo, pero gusto kong mag-asawa sa edad na dalawangput-lima.

Kailangan ko ay nobyo para magawa ang plano ko. Dininig naman ng Panginoon ang gusto ko at nagkaroon ako ng nobyo sa edad na dalawangput-dalawa. May tatlong taon na pagitan para matupad ang plano ko.

Paano ko ba ipinaramdam sa asawa ko na gusto ko ng magpakasal?
Simple lang, Binantaan ko ang asawa ko. Hahaha, Gamit ang natutunan ko sa aking kamag-aral sa kolehiyo. Noong nasa ikadalawang taon na kami ng aming relasyon, sinabi ko sa kanya na: “Ang kilig sa relasyon ay hanggang dalawang taon lamang, sa susunod na taon ay companionship na lamang at malimit na lamang ang kilig, Kung wala kang plano, ay tapusin na natin to habang maaga pa.”

Epektibo naman po at naisipan na rin niyang magpakasal at ang plano ay sa susunod na taon. Tamang-tama kasi dalawangput-lima na kami sa susunod na taon at hindi na kailangan pa ng parents’ consent para magpakasal.

Kahit na hindi na kailangan pa ang parents’ consent, ginawa pa rin ng asawa ko ang tamang proseso ng pagpapakasal na nakasanayan ng ating mga ninuno.

Una niyang ginawa ay ang paghingi ng permiso ng aking mga magulang na gusto na niya akong pakasalan. Napakatapang ng aking asawa kasi siya lang talaga ang unang pumunta sa bahay at humingi ng permiso. Bilib din ako sa kaniya sa panahong iyon dahil napakagaling niyang sumagot sa mga tanong ng aking ama. Sanay na kasi siya kasi lagi siyang ipinatatawag ng punong-guro sa paaralan dahil malikot siya noong bata pa.

Pagkatapos pumayag ng aking ama, ang pamamanhikan naman ang sinunod. Hindi ko naisip na marami palang pag-dadaanan kapag gusto mo nang magpakasal. Simple lang ang pamamanhikan at hindi magarbo. Pumunta ang kaniyang pamilya sa bahay upang pag-usapan ang buwan at araw ng kasal at mga kondisyon kung meron man.

Pagkatapos ng pamamanhikan ay hindi na sumama ang aking asawa pabalik ng kanilang bahay at natulog ng isang gabi sa aming bahay dahil parte ito ng tradisyon na pagkatapos mamanhikan, ang lalaki ay mananatili sa bahay at magsisilbi sa pamilya ng babae.

Sa tanong naman.
Para sa akin, ang engagement ay depende sa anong klaseng tao ba ang iyong karelasyon. Kasi ako ay isang praktikal na tao at ayaw ng masalimuot na buhay. Hindi ko ini-expect na may engagement pa palang magyayari bago magpakasal pero dahil ang aking asawa ay masunuring bata, sinunod niya ang nakagawian.

Nakadepende talaga ang pagpapakasal sa karelasyon, kaya piliin itong mabuti.

Kung kayo ay nakarating sa parte na ito habang nagbabasa, ibig sabihin nakuha ko po ang inyong interest.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.

May-akda: Maureen S. O.
Ang larawan ay pagmamay-ari ng aking asawa: Paul Vincent M. O

Sort:  

May Tama ka Ma'am @fixyetbroken hehe sumasang-ayon Ako sa mga opinion mo mam na depende sa inyong dalawa na nagiibigan ang paraan ng engagement

Salamat sa pagsang-ayon ma'am. 😊

Good night my friend.

I hope you have a nice day and I am very entertained by the story you share. Thank you for sharing ❤❤

Good night too.😊
Thank you for the kind words.😊 Have a nice day ahead.😊

Kahit ako, ayaw KO Rin Ng maraming pasikot sikot. Kaya Lang ang MGA matatanda SA atin ay talagang maninindigan Ng nakagawian na. Pg Hindi Tayo sumunod ay Hindi nman sila matutuwa😂😬

Correct ma'am. Hahaha, we have no choice but to follow because we are still under the same roof po. Pwede ka nang magdesisyon kapag bumukod ka na. 😅😅

Kaya nga ma'am, hanggang NASA powder Ka nla kailangan mong sumunod😅

Yes ma'am. 😁 Bat tayo lang ang nakakaintindi ? Hahaha

Nowadays mam @fixyetbroken ,we need to be practical.

I agree.😊😊

Congratulations @fixyetbroken! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You made more than 6000 comments.
Your next target is to reach 6500 comments.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Thank you for this badge.😊

You've got this @fixyetbroken! Keep putting in the effort and you'll reach your target in no time.

BTW, we noticed we miss your support for our proposal. Mays we ask you to check it out and consider supporting it?
All you need to do is to click on the "support" button on this page: https://peakd.com/proposals/248.
Thank you!

Thank you for the motivational words. Fighting!

Same sa akong igsuon miss @fixyetbroken namanhikan jud ang lalaki sa amoa. I love the old ways jud.

Nice pud bitaw ang tradisyonal. 😊