Sapilitang Team Bahay

in #hive-1994932 years ago

Ey, Ey.

Kamusta kayo?

Ayun may patimpalak nga pala dito sa #tagalogtrail na pinangungunahan ni @tpkidkai.
Nawaglit nga ito sa aking isipan pero dahil sa kadahilanang hindi naman na ako abala at biniyayaan ako ng madaming oras abay masubukan nga din sa unang pagkakataon at hindi kailanman pa ako nakasali at nakapaglathala sa wikang Tagalog. Binuksan ko na din ang tagasalin sa google at naku hindi ako eksperto sa pagsusulat ng Tagalog. E kahit naman sa Ingles hindi din, haha, pero gusto kong subukan at parang hamon na din ito para sa akin.

Eto nga pala ang link mga kabayan tara na at sumali. Hanggang Sabado pa naman ito e ay wait bukas ba o sa Linggo, pakicheck na lang din.

Screenshot 2023-04-12 at 9.34.59 PM.png

IMG_0503.jpg

IMG_6899.JPG

Wala naman akong planong umalis ng bansa o magbabakasyon kung saan man kasi walang pera, este konti ang pera pero may plano ako lumayas ng bahay at maglibot ng araw ng Linggo at Lunes. Magkikita dapat kami ni Keanu Reeves at mag date kami sa sinehan sa kanyang movie na John Wick: Chapter 4 at pagkatapos kakain ng fish and chips sa paborito kong restaurant sa araw ng Linggo. Aakyat naman sana ng bundok at makikipagkita sa mga kaibigan sa araw ng Lunes kasi nga gusto ko sana magsaya at sulitin habang bakasyon pa kasi balik trabaho na uli ng Martes. Para sa akin, kasi yung simpleng layas ka lang ng bahay para huminga ay gala na. Mababaw lang ang kahulugan ng gala sa akin pero siempre paminsan iba din talaga ang bakasyon as in yung sunod sunod na araw, mga isang buwan ganyan, na walang iisipin na trabaho pero may suweldo. Awwwww!

Hay naku, napaka ayos na ang plano ko e kaso minsan hindi talaga nasasakatuparan at may mga bagay na nagaganap na hindi inaasahan.

At ganito nga ang naganap kaya sapilitan akong naging Team Bahay.
Noong Linggo ng madaling araw nagising ako na nanunuyo ang aking lalamunan. Mabigat ang pakiramdam at para akong binugbog. Grabe din ang naramdaman kong ginaw kaya hinanap ko ang AC control para patayin ito. Kinapa ko ang aking sarili at yun mainit nga ako at nilalagnat na din pala. Pinilit kong bumangon at hinanap ko ang lagayan ng mga gamot sa drawer. Medyo natagalan para mahanap ko ito dahil hindi ko talaga matandaan kung saang drawer ko ito itinago. Matagal na din na hindi ako nagkasakit kasi. Pagtapos ko mahanap uminom na agad ako ng Paracetamol tapos balik uli sa tulog. Pagkagising ko sa umaga medyo hindi na ako mainit pero masama pa din ang timplada at mas masakit na ang lalamunan kaya napagdesisyunan ko na magpa konsulta sa Doktor. Nang maalala ko ang mga clinic pala dito pag Linggo sarado kaya tawag ako sa mga kaibigan para mag tanung tanong baka kako may alam silang bukas na hindi ko alam. 10am na yun ng umaga kaya naman dali dali ako at baka makahabol pa. Sa kabutihang palad meron nga at nagsasara sila ng 11.30am. Dali dali akong gumayak at dahil hindi naman ako nagmamaneho pinakiusapan ko ang kaibigan ko na dalahin ako duon. Pumayag naman at nakarating naman kami doon mga 11.20 na at malapit na kami masaraduhan. Phew.

Pagkadating namin doon may isang pasyente na lang bago ako. Mabilis pag sa clinic kumpara pag sa hospital. Inaabot ako ng apat na oras kapag sa hospital kahit hindi weekends. Pag sa Clinic 30 minutes lang tapos na. At tinawag na nga ako ng babae sa counter. Bata pa ang babaeng doktor,mabait din. Tsinek nia lang ang lalamunan ko at tinanong kung anu pa ang nararamdaman ko. Pagtapos nun niresetahan na nia ako ng gamot pati lozenges. Tonsillitis nga ang dahilan sabi nia. Umuwi na din kami agad pagtapos.

Naging maayos naman na ang pakiramdam ko ng Lunes kaya napagdesisyunan kong maglakad sa treadmill. Kinansela ko na kasi ang akyat sa bundok kaya sabi ko sa sarili ko sa treadmill na lang. Lakad lang naman e walang takbo. Mga isang oras din yun. Inisip ko na lang nasa bundok ako at nagpatugtog ako ng malakas para hindi boring. Tapos nagpahinga na uli. Sabi ko nga naku may work na kinabukasan kaya need na matulog maaga at papasok naman na talaga ako.

Martes ng umaga nagsabi ang kasama ko sa work na mag ART Kit test. Yung totoo nawala na yun sa isip ko at ndi ko na naisip yang COVID COVID na yan pero dahil nga sa eskwelahan ako nagtratrabaho kelangan din ikunsidera ang mga bata lalo nat sa Pangunahing/Elementaryang Departamento ako itinalaga. Inuubo din kasi ako so cge na nga, ginawa ko na nga ang ART Kít test. Nagulat din ako sa resulta, lintek positibo na pala ako sa COVID. E di wow.
Kinagabihan ng araw na yun nilagnat uli ako. Masakit pa din ang lalamunan pero nawawala ng bahagya pag naka lozenges na.Nagtatae na din tapos nawaan na ng panlasa sa pagkain. Kaya hayan ndi pa ako nakabalik sa work hanggang ngayun. Mag pinahabang holiday muna daw ako sa loob ng bahay. Bawal lumabas at yun pa din ang protocol dito. Sheeesh!

TINGIN SA MALIWANAG NA BAHAGI

Sabi nga nila kung anupaman ang ibato sau, lagi lang tignan ang magandang bahagi nito. Mindset ba. Mindset.

IMG_7637.jpg

Kaya ayan inaaliw ko na lang ang sarili ko sa binge watching Netflix. Natapos ko nga ang night Agent at Beef e. Parehas maganda pero kung ako papipiliin sa BEEF ako. Ang galing ng mga pangunahing katauhan sa serye na yan at maganda ang daloy ng kuwento. Tapos yung kanta sa episode 8 plano kong kantahin sa Hive Open Mic sa sunod na Linggo. Sana mabalik na ang normal kong boses nun at sana madali lang ang tipa sa gitara. Takas muna ako this week kasi wala akong alam na worship song, sa totoo lang.

Madaming Tulog. Masaya talaga ang ndi bumangon ng maaga, para sa akin ha. Hindi kasi ako taong umaga kaya hirap ako pero dahil kelangan sa trabaho wala akong pagpipilian. Hinihila ko talaga ang katawan ko madalas papalayo sa kama at pag nag alarm ako tatluhan para siguradong gising. Para makabawi, madalas pag weekends tanghali na ako bumabangon.

At ang pinakadabest talaga ay yung napahaba pa ang bakasyun ko mismo kahit nasa loob ng bahay. Nakakapagod kaya magtrabaho. Hehe!

Pero salamat kay Lord sa mga gamot na talaga namang epektib magpagaling. Ako kasi yung taong pag nagkaka Tonsillitis kelangan talaga ng Antibiotics kahit nung bata pa ako. Pakiramdam ko mamamatay talaga ako pag wala nyan.

Mag ART kit test na uli pala ako mamaya. Sana negatibo na at need kong lumayas para ipaayos ang eyeglasses ko. Hayst ang tanga kasi ndi man lang sumigaw naman na nasa kama pala siya. Nahigaan ko. Tupi ang frame. Buti na lang okey pa ang lenses.
Ang saklap!

Pasencia ang haba na pala. Paalam na nga.

Salamat sa pagbasa!

❤️
chichi18

dividerlogo.png

ENGLISH TRANSLATION

Hey, Hey.

How are you?

Well, there is a contest here at #tagalogtrail led by @tpkidkai.
I have forgotten about it but since I was reminded and the fact that I am not busy,
I am giving it a go. Try it for the first time as I have never participated and published in the Tagalog language. I also opened Google Translate coz yeah I'm not an expert in writing Tagalog. Not even in English anyway, haha, but I want to try and I'm gonna look at it as a challenge.

Here is the link come and join. It's ON until Saturday, Oh wait until Saturday or on Sunday, please just double-check.

Screenshot 2023-04-12 at 9.34.59 PM.png

IMG_0503.jpg

IMG_6899.JPG

I don't have any plans to leave the country or go on vacation anywhere because I don't have any money, money is scarce but I do have plans to leave the house and go around on Sunday and Monday. Keanu Reeves and I are supposed to meet and have a date at the movie theater in his movie John Wick: Chapter 4 and then have fish and chips at my favourite restaurant on a Sunday. I was going to climb the mountain and meet my friends on Monday because I wanted to have fun and make the most of my vacation as I had to go back to work on Tuesday. For me, simply leaving the house to breathe is wandering. The meaning of wandering is only superficial to me, but sometimes having a vacation is really different especially if it's in consecutive days, about a month like that, without thinking about work but with a salary. Awwww!

Hey, my plan is great, but occasionally it fails and unexpected things happen.

And this is what happened when I became Team Bahay.
On Sunday morning I woke up with a dry throat. It felt heavy and like I'd been beaten. I also felt very cold so I looked for the AC control to turn it off. I felt myself, was hot, and feverish. I forced myself to get up and looked for the medicine box in the drawer. It took me a while to find it because I can't really remember which drawer I kept it in. I haven't been sick for a long time. After I found it, I immediately drank Paracetamol and then went back to sleep. When I woke up in the morning I wasn't hot anymore but the temperature was still bad and my throat hurt more so I decided to consult a doctor. When I remembered that the clinics here are closed on Sundays, I called my friends to ask for help, maybe they know of clinics that are open that I don't know of. It's 10 am in the morning so I hurry and maybe catch up one. Fortunately, there is and they close at 11.30 am. I quickly got dressed and since I don't drive I asked my friend to take me there. She agreed and we got there around 11.20 and the clinic was about to close. Phew.

When we got there there was only one patient before me. It's faster at the clinic compared to the hospital. It takes me four hours when I'm at the hospital even if it's not on weekends. At the Clinic, it's only 30 minutes. And the woman at the counter did call me. The female doctor is young and also friendly. He just checked my throat and asked what else I was feeling. After that, he prescribed me medicine and lozenges. Tonsillitis is the cause, she said. We went home immediately after.

By Monday I was feeling better so I decided to walk on the treadmill. Since hiking is not happening I told myself to just go on the treadmill. It's just a walk, no running. That's about an hour. I just imagined I was in the mountains and I played music so it wouldn't be boring. Then I took a rest. I have work the next day so I need to sleep early and I am definitely going to work.

Tuesday morning, my colleague at work suggested doing an ART Kit test. The truth is t I didn't really thought about it and I have totally forgotten about COVID already, but because I work at a school, I also have to consider the children, especially that I was working with the Primary Department. I'm also coughing so that's it, I had to do it. To my surprise, the result came positive. Oh well...

In the evening of that day, I had a fever again. Throat was still sore but it goes away a little when the lozenges are taken. Diarrhea is also present and the taste for food is gone. So yeah no way I can go back to work. Sheesh!

LOOK ON THE BRIGHT SIDE

They say no matter what is thrown at you, always look at the good side of it. Mindset, Mindset.

IMG_7637.jpg

I am occupying my time by binge-watching Netflix. I did finish The Night Agent and Beef. Both are wonderful but if I had to pick one, I'd prefer BEEF. The series' main characters are excellent, and the plot moves along well. The song from episode 8 is the one I'll do at the Hive Open Mic next week. I'm hoping my voice returns to normal and I hope playing it with the guitar will be easy. Since I don't know any worship songs, I had to skip this week.

Sleep a lot. For me, at least, not getting up early is a joy. I'm not a morning person so it's hard for me every time as going to work needs waking up early. I have to anyway as I don't have a choice. I really pull my body away from the bed often and when I set the alarm, I had to do it three times to make sure I am awake. To make up for it, I often wake up at noon on weekends.

The best part is that, despite being inside the house, my term break holiday was extended. Working is exhausting, so an extra few days would be really appreciated.

But thank God for the miracle-working medications. Because I am the type of person who, even as a child, requires antibiotics when I have tonsillitis. Without it, I think I will die.

I will do the ART kit test again later. I hope it's negative already as I need to leave to get my eyeglasses fixed. I accidentally lay down on it without realising it was on the bed. Argh! Fortunately, the lenses are still okay. It's the frame that needed to be mended or replaced.

Now this is already long. I need to stop. LOL

Bye for now.

Thanks for reading!

❤️
chichi18

Sort:  

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
chichi18 tipped ruffatotmeee
@chichi18(1/5) tipped @tpkidkai

Nag negative na yung result Chi? Grabe naman yan panay date ang mga ginawa mo at panay taartits (artista para sa mga batang di makakagets) ang nakadate mo.

Di ko pa napapanood yang John Wick ( kahit anong season pero sabi nila maganda daw at panay action)/

taartits (artista para sa mga batang di makakagets)

Hahahaha!

Yup negative na @tpkidkai lamyerda agad agad sa Mall right after. LOL

Mag John Wick na huy aantayin mo pa bang mag sampu before you do? hehe

!PIZZA

Hwag mag alala marami Naman tayong team Bahay lang eh. Gustong lumabas pero walang Pera, ay Mali kulang Ang Pera kasi walang budget hehehe.

konti ang pera sis. Hehe!

Aguyyyy, ako naman inuubo pa rin nilagnat din ako maigi at nadala sa gamot. Kaso ayon lang, di pa rin talaga maalis uno ka..pagaling ka. Enjoy binge watching, ako naman nagabasa lang sa bahay, choice ko kaso g team bahay lang ahaha

Ikaw din pagaling ka din soonest @ruffatotmeee

!PIZZA


The rewards earned on this comment will go directly to the people( @chichi18 ) sharing the post on Twitter as long as they are registered with @poshtoken. Sign up at https://hiveposh.com.

ngayon alam ko na. Fish & chips mukhang masarap

Superb @davidke20 If you ever come visit Brunei I will tell you where. 😃

Me no understand this language 🥲 !gif wtf

Errrrrr. 😅

I have edited and added an English translation just now @davidke20. Thanks for making me realize one or two might wanna read it too. 😊😅

No no. No issue at all. Translator works on most Tagalog piece, I'm just being lazy and didn't slap it on the translator to find out 🤣

Sis chi naloka ako s eyeglass mo hnd nagsasalita ayan nasira 😁😁😁
..praying sis maging okay kana po. Ang hirap maging Team Bahay ng hnd nakakalabas. Pero masarap din naman mg movie marathon lalo na may netflix, sana all may netlix hahahah.

'em feeling better na sis. konting ubo na lang pero negative na ako at nakakalamyerda na uli.

Salamat sa pagbisita!

Glad to know sis chi, iba parin kpg nakakalemyerda tayo 😊 see you around sis!

Yay! 🤗
Your content has been boosted with Ecency Points, by @yeouido.park.
Use Ecency daily to boost your growth on platform!

Support Ecency
Vote for new Proposal
Delegate HP and earn more

Congratulations @chichi18! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You got more than 3750 replies.
Your next target is to reach 4000 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

LEO Power Up Day - April 15, 2023
The Hive Gamification Proposal