Magandang araw inyong lahat! Una, pasalamat ako kay @cindee08 dahil gi chat niya ako patungkol dito sa tagalog trail. Salamat naman at mahasa tayo sa ating sariling wika. Pangalawa, salamat na ang topic sa araw na ito ay tungkol sa meryenda. Timing nag luluto ako para sa amin ni hubby.Dahil si hubby ay diabetic kailangan ang ihain ko ay yong di nagpapataas ng sugar. Simula 2022 kami dalawa ay nag lo low carb na at iniwasan kung maari ang pagkain ng kanin. Kaya noong isang araw naka bili ako ng mga ingredients na aking lutoin. Pang meryenda o diretsong haunan na din. Ito yong cauliflower,coconut oil at black pepper. Yong itlog may stock kami denilever ng aming kapitbahay.ang tawag ko sa lutoing ito ay initlogang cauliflower. Ito yong mga sangkap:
At ito yong paano lutoin.
Hiniwa ng palapag ang cauliflower at hinugasan. Yong itlog gi scramble gamit ang tinidor dinagdagan ng asin at black pepper. Nag handa ng malinis at tuyo na kawali, nilagyang coconut oil at pinainit. Yong hinugasang cauliflower hinalo doon sa scrambled na itlog. Ng uminit na ang mantika nilagay ang cauliflower na may itlog, isa isang hinulog sa mainit na mantika. Ng ito ay nag brown brown na luto na sila.
Luto na, Meryenda na tayo.
At pinaresan namin ito ng malamig na malamig na low carb drinks.Yong cucumber carbonated drinks.
Nag stock ako sa fridge ng mga low carb drinks para anytime gustong uminom may mainom agad. Ito yong kasali pag grocery ko.
Tested ko naman na di tumataas ang blood sugar ni hubby sa mga drinks na ito kasi tuwing umaga ko siya kinukuhaan ng blood sugar reading niya. Ang number one magpataas ng bloodsugar level ay ang kanin, tinapay, matatamis na prutas at matatamis na pagkain. Kaya dahil ako ang taga pag handa ng pagkain ni hubby nag research ako ng mga low carb foods. Gaya netong hinanda kong meryenda, dahil kami ay mga Senior Citizen ingats na talaga sa ano ang kainin.
Maraming salamat sa pag dalaw at pag basa ng blog ko.