Kamusta po ule @tagalogtrail community araw ng Linggo kung alam nyo lang kung gaano ko pinilit na makasulat kahapon. Pero sobrang abala at kahit lagpas na para sa naturang paksa ay akin pa rin ibabahagi ang pinaka sulit na nabili ko online piso po tatlong pirasong item na or $0.01 for three 3 pieces yun pa ba ayaw nyo mabasa para sa araw na ito? 😅
Una sa lahat mag download lamang ng Lazada application make sure na bago ang sim card at Smartphone mo. Kung wala sa nabanggit may technique pa ko na tuturo sanyo, sana nalang ehh gumana ang diskarte natin.
Unahin ko muna ang bagong user. Pag katapos mo mag download na naturang app. Importanteng step
Register pwdeng parehas na address ng tirahan baguhin mo ang pangalan. Pwedeng pangalan ng anak mo. Gamitin ang bagong sim para maka proceed sa next steps. Ganito po ang lalabas kung nasunod mo ng mabuti ang naturang steps by steps.
Pwede ka napo mamiili ng item sa part na ito. Ang nakalagay ay one item per day pero Ako naka chamba ng tatlong piraso pero Piso lamang. Mag add to cart sa definite products at sigaruduhin nakakuha ng nakakuha ng malaking discount para sulit. Mag collect din ng vouchers para sa new exclusive member.
Ang anak ko nag order nitong mga products at naniwala talaga na darting ang mga order na ito. My bonus pang free shipping kaya talagang Piso lang ang inabot namen Kay manong driver. Ay bale 5.00 pala para naman may tip sya kahit papano
At ito na nga ang aming order ohh diba legit na legit pong talaga. Sobrang sulit dahil working yung headset at walang sira yung bag, mabango din yung perfume. Mabait at Lazada para ibenta nila ito sa halagang Piso.
At ngayon naman ituturo kung paano maka order ang walang bagong smartphone kay Lazada. Una log out, clear data ang application. Uninstall mopo at restart ang inyong phone. Kailangan pa din ng bagong sim card at gawin ang Importanteng steps.
Sana ay nakatulong po ako kahit papano sa inyong lahat. Magandang araw po ule sa inyong lahat.
XoXo
@usagigallardo015